Chapter Three

271 5 1
                                    

CHAPTER THREE

MAY ARAW pa nang bumaba siya ng ferryboat. Inilabas niya ang sasakyan at paglabas ng pier ay nagsimulang magtanung-tanong. Hindi naman siya nahirapang tukuyin ang bahay ng mga Latrona sa San Fabian, dahil kilala halos ng lahat ang pangalang iyon. Kalahating oras ang biyahe mula sa pier ng San Fabian, at marahil ay doon na siya magpapalipas ng gabi. Mayroon naman sigurong motel doon. Ayon sa napagtanungan niya, pagpasok niya sa boundary ng San Fabian ay kakaliwa siya sa maliit na daan. May makikita raw siyang karatula. Hindi na raw siya maliligaw dahil pribadong lupain iyon. Wala pang isang oras ay tanaw na niya ang matayog na gate ng isang lumang bahay-­Kastila.

At hindi lamang iyon, tanaw din niya ang isang babae na naglalakad sa tabi ng kalsada. May bitbit itong mumurahing duffel bag at yukung-­yuko ang ulo. Nakadama naman siya ng awa, sapagka’t mukhang walang ibang sasakyang pumapasok sa daang iyon. Aabutin ng dilim ang babae kung maglalakad palabas sa highway. Nang isang metro na lamang ang layo ng kotse niya sa babae ay binusinahan niya ito. Ibinaba niya ang bintana. Napatingin naman sa kanya ang babae, mapula ang mga mata. Halatang galing sa pag-­iyak.

“‘Yan ba ang bahay ni Mr. Latrona?” tanong niya.

Kiming tumango ang babae. Marahil ay nasa early twenties din na paris niya.

“Doon ka ba galing, Miss?” tanong ulit niya.

Tumango ulit ito. “Saan ka pupunta ngayon? Gagabihin ka sa daan.”

“L-­lumayas na po ako sa bahay na ‘yan—”

Nalaglag na ang luha ng babae dahil sa sobrang habag sa sarili. Lalong nahabag si Sunday.

“Bakit ka lumayas? Maid ka ba diyan?” usisa niya ulit. “Kung gusto mo, sumabay ka na lang sa akin. Babalik din naman ako kaagad, may sadya lang ako kay Mr. Latrona,” aniya.

Mahigpit ang pagtanggi ng babae. “Hindi po maaari. Kapag nakita ako ni Sir Aris ay baka barilin pa ako,” anito.

Gulantang si Sunday. Anong klaseng tao ang Aris na ito at mamamaril ng katulong? But then again, baka may malaking kasalanan ang maid.

“M-­may nagawa ka bang mali at nagalit ang amo mo?”

Umiling ang babae. “Wala po. Nahawakan ko lang ‘yung painting doon sa library, nagalit na at nagwala. Hindi raw iyon hinahawakan. May nakita kasi akong alikabok, eh. Pero pinalayas ako at sinabihan akong tanga at gaga at estupida.”

Panay ang hikbi ng babae.

“Ang lupit naman ng amo mo,” aniya.

“Kung hindi ko lang kailangan ng trabaho, hindi ako mamasukan diyan. Parang kampon ng kadiliman ang nakatira. Ni hindi man lang tumatawa, laging galit. Ano po ba ang sadya n’yo roon?” tanong naman ng maid.

“Ha? A-­ang painting ba na sinasabi mo ay yung babaing hubad, na medyo mataba at nakahiga?” she asked.

“‘Yon nga po. Naku, hindi ko malaman kung bakit napakaimportante n’on. Gusto lang talaga sigurong magwala. Lagi namang nagwawala ang amo kong iyon, eh,” kuwento pa ng maid, natuyo na ang luha. Parang nakaganti na sa pamamagitan ng pagkukuwento kay Sunday.

“Balak ko kasing bilhin ang painting,” nasabi niya nang hindi iniisip. Nagugulantang kasi siya sa mga sinabi ng maid.

“Bilhin!” bulalas naman ng babae. “Naku, sabi niya kahit daw alukin siya ng isang milyon, hindi niya iyon ipagbibili, Miss. May gusto yata roon sa babaing nakahubad, laging tinititigan. Baka sinasapian ng espiritu ng girlfriend niya ang babae sa painting kung gabi,” saad pa ng maid.

“M-­may topak ang amo mo?” aniya. Paano niya kakausapin ang ganoong tao? Baka barilin siya!

“Hindi lang topak, hangin pa sa ulo. Luku-­luko. Laging nasa madilim at nag-­iisip. Kulang na lang, eh, magsalita mag-­isa. Pero palagay ko, ginagawa na rin niya iyon kapag walang nakakarinig. Hindi lang naman ako ang pinalayas niya, eh. Pati si Aling Barang na kusinera, pinalayas din dahil hindi nagustuhan ang kalderetang niluto nito no’ng isang araw. Dapat sa lalaking iyon ay binibitay!” galit na galit na wika ng maid.

My Girl Sunday by Rose TanWhere stories live. Discover now