Chapter Nine

237 5 1
                                    

CHAPTER NINE

“ARIS!” tawag ni Sunday nang magising na wala sa tabi niya ang lalaki. Pinuntahan niya ito sa pilot house ngunit wala rin doon. Nagulat pa siya nang makitang nakabalik na sila. Hindi niya naramdamang gumalaw ang yate, mahimbing na mahimbing ang tulog niya. Nagbihis siya at pumanhik sa hagdanang bato. Sa loob ng bahay ay nasalubong niya si Lagring.

“Nasaan si Aris?” tanong niya.

“Umalis. Dinala ang sasakyan at bumalik sa Maynila. At minsan isang taon lang kung bumalik iyon dito. Akala mo siguro ay naka-­jackpot ka na,‘no?” paismid na sabi ni Lagring.

“Shut up!” singhal niya. Bakit biglang-­biglang lumuwas si Aris? May emergency ba? Pero wala naman sila kahit cellphone sa loob ng bahay.

Paano malalaman ni Aris kung may emergency? Tuluy-­tuloy siya sa silid nito, dahil doon na rin naman ang silid niya. Kabadong binuksan niya ang cabinet. Naroroon pa naman ang mga damit ng lalaki, pero may mga damit din naman ito sa Maynila. She would call his office. Bigla siyang natigilan. Wala si Aris. Pagkakataon na niyang makuha ang painting! Lumabas siya ng silid, ngunit hindi na rin sigurado sa gagawin.

“Lalabas lang ako saglit. Babalik ako kaagad,” aniya kay Lagring.

“Bilisan mo’t aalis din ako,” anang babae. May pakiramdam siyang gawain talaga nito ang umalis kung wala ang amo. Hindi na siya nagtataka kung bakit halos napapabayaan ang bahay.

“IT’S ALMOST done, Sunday,” wika ni Dorotea sa kabilang linya.

“Puwede mo na bang dalhin dito ngayon? Pagkakataon ko na kasing makuha ang painting. Nariyan sa Maynila si Aris, hindi ko alam kung kailan babalik. Mag-ferryboat ka, para mabilis ang biyahe,” aniya.

“Pero hindi pa masyadong tuyo.” angal ni Thea.

“Hindi na bale. Hindi naman mahahalata dahil laging madilim doon sa library. At saka, ibabalik ko rin naman ang original. Ipapakita ko lang kay Papa, then he can have the fake.”

“Sige. Pero i-­reimburse mo ang pamasahe ko, ha?”

BAGO humapon ay naroroon na sa bahay si Dorotea.

“Ang ganda pala rito. Parang nai-­inspire akong mag-­paint,” anito habang kandahaba ang leeg.

“Mas maganda sa likod, sa may dagat. Pero saka mo na isipin ‘yon. Tulungan mo akong kunin ang painting,” mahina niyang sinabi. Hindi pa rin bumabalik si Lagring. Ayon kay Mang Simeon ay nagma-­mahjong daw kina Mrs. Villa, na napag-­alaman niyang ina ni Kay.

“‘Yong alarm?” asked Dorotea.

“Pinutol ko na ang kawad, nakababa rin ang main switch. Bilisan natin bago pa malaman ni Mang Simeon kung bakit walang kuryente rito.”

Halos kaladkarin niya sa hagdan ang kaibigan. Hindi rin naka-­lock ang pinto sa library. Pinagtiwalaan na siya ni Aris nang lubos at parang gusto niyang makonsiyensiya. Ibabalik ko naman, she reminded herself. Kung puwede nga lang na hiramin niya na lang iyon kay Aris, ngunit naging komplikado na ang lahat. It started when she got a wrong impression of him. Pero talaga namang morose at moody ang lalaki noon, kaya malabo niyang mapakiusapan.

“Oh, my!” bulalas ni Thea nang makita ang painting. “Isang tingin pa lang sa ginawa ko, Sunday, mahahalata nang fake. Look at that.”

“Hindi naman kaagad mapapansin ‘yan. Ibabalik ko kaagad,” aniya.

“Babalik ka rito? Magpapakatulong ka na lang habambuhay?” wika ng kaibigan niya.

Now, why didn’t she think of that?

“I-­I’ll tell him the truth, and I’ll stay here if he wants me to,” aniya.

“Ewan ko sa ‘yo. Hindi ka muna nag-­iisip bago ka umaksiyon. Paano ang papa mo?”

My Girl Sunday by Rose TanWhere stories live. Discover now