Chapter Eight

271 5 1
                                    

CHAPTER EIGHT

“WAKE up, Ingga! Wake up!” Niyugyog siya ni Aris.

“Bakit ba?” angil niya, hindi kaagad maidilat ang mga mata dahil sa sikat ng araw. Gusto pa niyang matulog, dahil kung gabi ay wala naman yatang balak si Aris na matulog.

“Nandito si Kay! Do something about it!” wika ni Aris na parang batang nagsusumamo ang mukha. It was great waking up in the morning and seeing his face. There was no more pain there now.

Ang problema lang, isang linggo na siya sa kuwarto nito natutulog. At malamang na bago niya manakaw ang painting ay nagdadalantao na siya. Baka isumpa na siyang tuluyan ng kanyang papa. But. There was a big but. She didn’t care. It was crazy to think that she was in love with this man, pero iyon ang gusto niyang isipin.

Hinawakan niya ang pisngi nito. “Bakit hindi na lang ikaw ang makipag-­usap? Sabihin mo ang totoo, at nang hindi umaasa,” suhestiyon niya.

“I can’t do that. Hindi iyon makikinig, at lalong hindi maniniwala. And before I knew it, she will be all over me. Magwala ka na lang ulit, habulin mo ng taga...”

“Nasaan ang mga damit ko?” tanong niya.

Luminga sa paligid si Aris, mayamaya ay isa-­isang dinampot ang mga damit niya, kumunot pa ang noo nang makita ang underwear niya.

Napailing. “I’ll get you a fresh one,” anito.

Bumungisngis siya. She couldn’t help being amused by the change she saw in him. At siya ang dahilan niyon. Maybe, she wasn’t that bad. May silbi pa rin pala siya sa mundo. And it occured to her that Aris had healed her, too. He cured her insecurity about not being able to do something remarkable in her life. Her only achievement then was learning how to drive, at hindi pa rin siya gaanong mahusay roon. Hindi na ngayon. Nagbihis siya at ilang sandali pa ay nasa ibaba na. Umagang-­umaga ay heavy na sa makeup ang mukha ni Kay. Paano ba ang gagawin niya sa babae? Kahit paano naman ay kinaaawaan din niya ito. Si Lagring ang dapat sisihin. Ito ang may kasalanan kung bakit patuloy pa rin itong umaasa na makakatuluyan nito si Aris.

“Talagang malandi ka, ‘no? Baka akala mo, hindi ko alam na sa kuwarto ka ni Aris natutulog? Ano’ng karapatan mo, ambisyosa ka? Katulong ka lang, naniniwala ka bang seseryosuhin ka ni Aris?” talak ni Kay, and she could see tears glistening on the heavily mascaraed eyes.

“Kay, ayokong makipag-­away sa iyo. Pero wala akong magagawa kung iniiwasan ka ni Aris. Please, tumigil ka na sa kapupunta rito,” aniya.

Bakit ba ayaw harapin ni Aris ang babae?

“Panakip-­butas ka lang kay Darcy!” tili pa ni Kay.

Natahimik si Sunday. Kay must be right. Ayaw man niya ay masakit ang kanyang narinig. Pero ano pa ba ang inaasahan niya?

“I know. Kaya mas masuwerte ka kaysa sa akin, Kay. Hindi ikaw ang panakip-butas. Dapat ka pang matuwa. Hindi ikaw ang masasaktan kapag pinagsawaan na ako ni Aris. Hindi ikaw ang iiyak. Hindi niya ako pakakasalan. Mas masuwerte ka,” aniya.

She was supposed to be acting, but her own words were like daggers to her heart. And she was trembling. Hindi naman makapagsalita si Kay. Waring tinitimbang ang mga sinabi niya.

HINDI niya namamalayan na nakikinig si Aris sa itaas ng hagdan, and he was thinking, too. Was he really capable of hurting other people’s feelings? And he didn’t want to get married. His maid was meant to be a mistress, pero anong klaseng lalaki siya? But he couldn’t let her go. Maligaya siya sa piling ni Ingga. He was happy again because of her. But what if she decided to leave him? Ano ang puwede niyang ialok dito upang hindi ito umalis? And, would she get pregnant? Alam niyang siya ang unang lalaking umangkin sa babae, which made his plan complicated. And he didn’t care about Darcy. He only cared about her then, because she needed him. Naawa siya sa babae and, eventually, fell for her. Iba ang sitwasyon kay Ingga. It was him who needed her. Nakita niyang lumabas si Kay.

My Girl Sunday by Rose TanWhere stories live. Discover now