Chapter Six

225 6 1
                                    

CHAPTER SIX

MAAGANG gumising si Sunday. Day-­off niya at pupunta siya sa bayan upang tumawag sa kanyang Tita Siony at kay Dorotea. Ngunit paris ng mga naunang umaga, si Aris ang una niyang hinanap.

“Si Sir?” tanong niya kay Lagring, na bawat araw yata ay nagiging ilag sa kanya, ngunit bubulung-­bulong naman kapag nakatalikod siya.

“Lumabas, papalaot na naman siguro,” anito at mabilis na nawala sa harap niya.

Day-­off niya, puwede siyang umalis nang walang paalam. Ngunit gusto muna niyang makita ang kanyang amo. Nagsalin siya ng kape sa mug at lumabas ng backdoor. Tukoy na niya ang daan patungo sa tabing-­dagat. It was a beautiful morning. Birds were singing, the sun smiling. The sky was clear. The place was beautiful, at hindi na siya nagtataka kung bakit dito pinili ni Aris na mag-­hibernate matapos mamatay ang girlfriend. He must have loved her so much. Kung hindi, bakit ito nagmumukmok gayong malaki ang iniwan nitong responsibilidad sa siyudad?

Maingat siyang bumaba ng hagdanang bato, dahil kung hindi ay malamang na magkalasug-­lasog ang buto niya. Batuhan din ang babagsakan niya. Nasa kalagitnaan na siya noon at tanaw niya ang pigura ni Aris. Wala ito sa yate, bagkus ay nakaupo sa isang malaking bato at nakatanaw sa malayo. Tuluyan nang nabura ang kanyang first impression sa lalaki. He wasn’t the prince of darkness, after all. He was just plain lonely. Looking at him, she saw a man who wanted to be a part of the world, but could not. Para bang ang pananatili sa lugar na ito ay hindi nito ginusto, ngunit wala itong pagpipilian.

Sitting there, looking at everything and nothing, he seemed vulnerable. Parang gustong umiyak ng puso ni Sunday. Parang gusto niyang yakapin si Aris, and tell him everything would be all right. Maybe, it was the mother instinct in her that told her to do such. But somehow she knew it was more than that. She wanted to be a part of his sorrow, for she could not feel at ease ‘til she was a part of it. Ipinagpatuloy niya ang pagbaba. Mahirap maglakad sa batuhan at ang suot lamang niya ay tsinelas na abaka. Iniwan na niya iyon para mapabilis siya. Mga tatlong metro na lamang ang layo niya kay Aris nang makita siya nito. Kinawayan niya ang lalaki. At first, parang tumiim ang bagang nito. Then, as if he changed his mind, kumaway rin sa kanya.

“Puwede bang makiupo diyan, Sir?” aniya.

Hindi ito tumugon, bagkus ay inabot ang isa niyang kamay at tinulungan siyang makaakyat sa bato.

“Thanks,” aniya at naupo sa tabi nito. Ang una niyang ginawa ay tanawin ang tinatanaw nito kanina. She could see the outline of a town, the mountain, the sky. “Ang ganda pala rito,” komento niya.

Tumango lang si Aris.

“Sir,” aniya. Tumingin ito sa kanya. Ngumiti muna siya bago nagpatuloy. “Puwede bang magtanong?”

“Sure,” anito.

“Hindi ba kayo naiinip dito? Oo nga at maganda ang lugar, pero wala naman kayong kausap. Wala ba kayong girlfriend?”

He looked at her again as if contemplating her question. “She’s dead,” anito mayamaya.

Kunwari naman ay nabigla siya. “Ano’ng kinamatay niya?” tanong pa niya. “Ano’ng pangalan niya?”

“Darcy,” tugon nito sa pangalawa niyang tanong at may palagay siyang ayaw nitong sagutin ang una.

She changed tactics. “Sabi ni Lagring, nagbabakasyon ka lang daw dito at marami kang naiwang trabaho sa Maynila.”

“She’s right,” anito.

“Kailan kayo babalik sa trabaho?” tanong ulit niya.

“I don’t know,” tugon nito at muling humarap sa kanya. “Now, can I ask you a question?”

My Girl Sunday by Rose TanWhere stories live. Discover now