CHAPTER 20

11 1 0
                                    

Lily's POV.

Nakaupo ako sa upuan sa tapat ng office table. Yung tipong parang impleyado ako na may ip-pressent sa boss niya. Yes, yes, ganun yung kaba.

Napagusapan na din kasi namin nila Belle na kakausapin ko si papa habang tinatakas nila si Trevor kaya dapat na patagalin ko ang usapan namin kahit hindi na ako komportable sa papa ko.

"Bakit mo po ako gustong makita, papa?" Seryosong tanong ko sa kanya pero hindi ko nakita ang reaction niya dahil nakaharap siya sa glass window at nakatalikod sa akin.

"Nakakapanibago naman ang bati mo sa akin bata." Parang nagtatampong sabi niya. "Dati ay tuwang tuwa ka at agad na yayakap sa akin kapag magkikita tayo, pero ngayon nag-iba ka na." Sabi niya at humarap sa akin.

"Sorry po, papa." Sabi ko pero ngiti lang ang isinukli niya sa akin.

"Come on. It's fine, are you not going to give your papa a hug?" Malambing na tanong niya sa akin open arms at hinihintay akong yakapin siya.

Yun nga ang ginawa ko.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Pero alam ko sa sarili ko na hindi na kami katulad ng dati.

"Masyado namang formal kung dito tayo nag-uusap sa office ko diba?" Tanong niya pero nanatili akong tahimik. "Tara, gusto mo maglakad lakad tayo?" Aya niya kaya tumango ako.

Naglakad lakad kami pero nanatili lang kaming tahimik at nakikiramdam sa isa't-isa. Gustong gusto ko nang itanong kung bakit niya gustong ipapatay si Casper pero hindi ko magawa.

"May tampo ka ba kay papa?" Tanong nito sa akin pero mariin akong umiling. Ayoko naman na isipin ni papa na may nagawa siyang mali para sa akin.

"Then bakit ka nagiging cold sa akin?" Tanong pa niya habang ang mga mata ay puno ng kalungkutan.

Ayoko ng ganitong drama eh.

"Iniisip ko po pa, pwede po ba akong umalis sa kingdom?" Sabi ko sa kanya at tumango siya.

"Yes sure, saan mo ba gustong pumunta?"

"No, papa. I mean... Magq-quit na po ako as one of your damsel." Sabi ko kaya natigilan siya.

"Why? Is there any problem?" Nag-aalala ang tono  niya pero kita ko ang unti-unting paglalaho ng expression sa mga mata niya.

He is now staring blankly at me.

Pero hindi ko na iyon pinansin. Wala na akong pakialam sa kahit ano, sa kahit sino, sa kahit saan o sa kahit kailan.

Buo na ang desisyon ko at hindi na iyon magbabago.

Alam kong kaya akong mahalin ni Casper bilang totoong ako. Alam kong kaya niyang mahalin lahat lahat ng bersyon ko na pwedeng iharap sa kanya.

Hinintay nya ako hanggang sa makakaya niya.

Matagal ko din siyang pinaghintay.

Kaya ngayon na nandito na ako ulit. Magiging malakas na ako para sa kanya. Hindi na ako ulit tatakbo palayo, hindi na ako tatakas at magtatago.

Hanggang kaya ko, susuklian ko ang paghihintay mo.

Kahit ang kapalit pa nun ay ang pagtalikod sa taong kausap ko ngayon.

"Papa. There is..." Pag-uumpisa ko. Para naman akong umaamin sa korte sa lagay na to. "There is someone that I like." Sabi ko kaya nagform naman ng "o" ang bibig niya habang tumatango.

"Well that's normal, you're 20 right?" Tanong niya kaya tumango ako. "I just hope na hindi si Casper Cress Martin ang taong iyan." Sabi niya kaya napatungo ako.

Be MineTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang