Chapter 31

111K 5.5K 19.2K
                                    

Concert

"She broke up with me."

Nalaglag ang panga ko. Nakipaghiwalay talaga si Mommy?

Namaywang siya, magkasalubong ang kilay habang naka puting t-shirt, jersey shorts at puting sapatos habang nasa isang court kami.

I met up with Simon since he seemed bothered. Kasalanan ko rin eh. Hindi na pala siya pinansin ni Mommy simula noong araw na nag-open up ako. Kakauwi ko lang ulit sa Malabon at papatapos na ang Enero, pero hindi ko inaakalang umabot sa langit ang galit ni Mommy na kahit si Simon, nang malaman niya ang trauma ko, ay mabilis niyang hiniwalayan.

Nagkamot ako ng batok. Nakatingala si Simon sa langit at nag-iisip.

"You're probably part of her decision. Are you okay?" bigla niyang tanong.

"Bakit ako? Hindi ba dapat si Mommy ang tanungin mo niyan? Hindi ko naman sinabihan 'yon na hiwalayan ka niya."

Nagkibit siya. "I know your mom. If you're happy, she's happy. If you're sad, she's beyond that. Sinabi mo na ba?"

Huminahon ako at pinulot ang bola na kanina ko pa inaapakan. He alertly looked at me when I started dribbling it. Naglakad ako papunta sa ring ngunit dumepensa siya kaya paliko ko iyong inambahang i-shoot na tinalon niya at hinampas ang bola kaya tumilapon sa gilid.

Hinabol ko iyon at muling sinubukan. Noong nasa harap ko na siyang muli, nag-amba akong pumunta sa kaliwang bahagi at doon siya agad dumepensa kaya maliksi akong lumiko sa kabila, ngumisi sa kanya at patalong ipinasok ang bola sa ring.

"May nakwento lang ako. Hindi kasi ako masyadong komportable sa mga kagaya mo noon. Mga bisexual..."

Namaywang siyang muli habang nilalapitan ko ang tumbler na nasa sahig lamang.

"How about now?"

Nilingon ko siya saglit at binuhos ang tubig sa bibig ko. Noong makalahati, lumapit ako at inilahad sa kanya. Kinuha niya iyon at tumingala rin para ibuhos ang tubig sa kanyang bibig.

"Marami na sa mga kaibigan ko ang mga bisexual. At nakwento ko naman na 'yung nagugustuhan ko bisexual din. Marami na akong nakikilalang nagpapabago ng isip ko na hindi lahat ng katulad niyo, katulad noong unang nakilala ko."

Pinunasan niya ang labi niya. "Ano bang balita roon sa gusto mo?"

Nagkibit ako at pinaypayan ang tiyan ko gamit ang dulo ng aking jersey.

"Ayon. Masaya yata sa ex niya. Nagbalikan eh."

"Niligawan mo ba?"

"Hindi ko pa nga 'yon naliwagan b-in-asted na agad ako. Badtrip din." Pairap ko iyong sinabi.

"Were you two friends or..."

"Enemies? Nilait ko 'yon noong unang kita ko eh. Sabi ko hinuhuthutan siya noong ex niya. Tapos nalaman ko magkapitbahay lang pala ang unit namin. Itong circle ko kasi mababangis. Sasamahan ka sa biruan pero kung may toxic kang ginawa at hindi mo itatama, kick out ka sa grupo. Kaya ayon, noong una takot lang akong maalis kaya ko gustong magsorry. Kaso..."

Naalala ko agad ang mga gabing titig na titig ako sa kanya at kuryosong bababa ang tingin ko sa makintab niyang labi. Doon yata 'yon nagsimula. Ayaw ko lang pangalanan kasi nandidiri ako sa ideya na magkakagusto ako sa kanya, o sa lalaki. Pero habang tumatagal, talagang iba eh. Kaya nga sinubukan ko pa 'yon kay Kia para makumpirma lang.

"Kaso nahulog ka?" siya ang dumugtong at nainip na ata.

Tumango ako. "Dumapa pa nga. Kulang nalang magpush up ako sa sahig kasi hindi na ako makatayo. Tang inang 'yan."

Behind the Blue Skies (Strawberries and Cigarettes Series #3)Where stories live. Discover now