Sleeping Lounge
This happened sa BPO kung asan si Emma 😅
Mga 5 months lang ako sa account na yun kung asan si Emma, tapos nalipat sa team na nasa floor na. Normal sa mga GY shift na itulog yung 1hr lunch break at matulog dun sa sleeping lounge. Ayoko dun sa sleeping area, parang di ako makahinga dun pagpasok ko pa lang. May isang beses, di ko na talaga kaya ang antok kasi di ako nakatulog ng maayos sa umaga kaya andun ako sa sleeping lounge. Pagpikit ko pa lang, binangungot na agad ako. Yung di ka magising sa panaginip mo pero alam mong gising ka? Yung ganung feeling.
Kinuwento ko sa tropa ko, sabi nya, wag daw ako matulog sa bed na yun. Pwede sa ibang beds basta wag sa particular na bed na yun kasi madami daw binabangungot dun.
Yung station ko was kaharap ng sleeping lounge. Makikita mo kung sino yung pumapasok at lumabas dun. May isang beses, yung team mate ko, namumutla at nanginginig na lumabas. Halos mangiyak na. Tinanong ko agad ano nangyari, may babae sa daw panaginip nya. Maganda daw pero sunog ang kalahati ng mukha. Yung panaginip nya is sa sleeping lounge lang yung setting, nakikita daw nya yung sarili nya na natutulog at nakatingin lang daw yung babae sa tulog nyang katawan nang biglang lumapit ng sobrang bilis at dinilaan yung kamay niya (yung position nya habang natutulog was nasa pillow yung kamay nya at naka open palm sya) Nagising daw sya at pagbukas ng mata nya, andun kung babae sobrang lapit sa mukha nya. Pumikit daw sya ulit at nagdasal, pagdilat nya ulit wala na yung babae pero ramdam na ramdam nya init sa palad nya at dali daling lumabas. Dun daw sya natulog sa bed kung saan binangungot ako dati.
Iisa lang ang kwento nung may mga nakikita sa panaginip nila kapag andun sa bed na yun sa sleeping area. Magandang babae, naka baro't saya pero bigla na lang mag iiba yung itsura at nagiging sunog na ang kalahati ng mukha.
Tapos naging acting TL na ako nun, may newbie ako na sinundo ko sa sleeping lounge at overbreak na. Pagbalik namin sa station, ang lungkot nya. Matamlay sya sa remaining ng shift. Kinabukasan tinanong ko kung may problema ba sya, dun na sya nag kwento. May 3rd eye pala sya at may gift na makita yung history ng multo. Pinakakita daw ng babae sa kanya yung nangyari. Yung area kung asan yung sleeping lounge was bahay daw nung babae dati. Nasa early to mid 20s yung babae at may asawa na. Pinakita daw sa kanya na na trap daw yung babae sa loob ng bahay kasi nangyari ang sunog habang natutulog sya at yung asawa nya wala daw. Di sya nakalabas ng buhay sa kubo nila at di nya matanggap na wala na sya kaya di pa sya nakakatawid hanggang sa mga panahon na yun. At yung area kung asan yung bed na madalas may nangyayari was the exact spot kung asan nawalan ng buhay yung babae.
8years na akong resigned sa BPO na yun, sana nakatawid na yung babae. Ilang dekada na din di matahimik kaluluwa nya.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2024▪︎

ESTÁS LEYENDO
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.