Irisan
Eto na nga, sa totoo lang nung una di talaga ako naniniwala sa multo until nitong bago matapos ang taon. Nagkayayaan mag baguio kaming magtotropa. Bale 4 kami tas kasama yung jowa nung isa. Peak season kaya sobrang hirap kami mag hanap ng budget friendly na transient malapit sa mga pasyalan so ang nabook namin ay sa irisan na banda which is 15 mins away sa Burnham. Di ko na sasabihin name nung transient (mwahaha) pero malaki siya at mura. Isipin mo 2.5k good for 12 pax na 2 bedroom at kumpleto lahat ng kailangan mo.
Unang gabi napagusapan naming mag totropa na 4am dapat gising na para sana maabutan ang sunrise sa mine view. Bale ang pwesto namin sa isang bunk bed magkasama yung magjowa tas sa taas nila mga gamit tas sa kabila katabi ko tropa ko at sa taas namin yung isa pang tropa. Sa kabilang bedroom ginawa naming sabitan ng mga basang damit. Medyo napahaba yung pahinga namin kaya ang nagawa lang namin nung gabing yon ay mag bangka at mag night market. Wala rin kasi kami mga tulog kaya after kumain nakatulog agad yung mga tropa ko but as for me light sleeper kasi ako pag di ako sanay sa lugar, mga 2 am na gising pa ko nakakarinig rinig din kasi ako ng mga kung ano ano sa sala non pero pinasawalang bahala ko na kasi kelangan gumising ng 4 am eh. At ayun na nga late kami nagising lahat 7 am na kami nakabangon lahat kaya medyo desisdido ang lahat magising ng 4 am kinabukasan, last night na kasi namin wala nang bawi.
Nung 2nd night medyo same lang ang nangyari kumain lang kami at natulog agad pero ganun pa rin ang tulog ko 2 am pero wala na akong narinig sa labas nun. maya maya may humawak sa kamay ko at hinagit ako patayo syempre kakagising ko lang di ko maaninag ang mukha, aside sa madilim ang kwarto, malabo ang mata ko pero nakita ko na babae siya at di gaano kahaba ang buhok. Inisip ko baka jowa ng tropa ko na ginigising na ako agad naman akong tumingin sa cellphone ko saktong 3 am. Nung mga oras na yun natawa pa ko kasi aba 3 am pa lang eh ang usapan 4 am?? sinubukan kong gisingin ang katabi ko pero di siya nagising kinain ako ng antok at nakatulog uli. [Fast forward pauwi na kami from baguio]
Magkakalapit lang kami ng mga bahay kaya sabay sabay na kaming umuwi maliban sa jowa ng tropa ko kasi iba way nung kaniya. Kaya sa sasakyan pauwi naisipan ko tanungin ang tropa ko. "Pre bat ang aga niyo nag alarm? usapan 4 am ah" tanong ko, "Ha? Anong ibig mong sabihin? eh ikaw pinaka una nagising" Ika niya. "Gago ka eh hinila pa nga ako ng jowa mo??" naguguluhan kong sinabi "Tanga ka ang himbing nga ng tulog namin, Si brix na yung gumising samin mga 4:15"
Grabe yung kabog ng dibdib ko hanggang ngayon pag naaalala ko yung pagkahawak niya sakin. Iniisip ko na lang na baka gusto niya na makita namin ang sunrise kaya ginising niya ko ng maaga.
📜Let's Takutan, Pare
▪︎2025▪︎

VOCÊ ESTÁ LENDO
[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)
TerrorAlmost all of the stories here are from the FB page Spookify, Let's Takutan Pare and other FB horror pages that I compiled. They are the ones that I enjoyed reading over the years.