OTHER DIMENSION

23 0 0
                                    

OTHER DIMENSION 🌒👹

Yung lolo ko nuong bata siya, kinakabahan daw mama niya sa kanya nuon kase may mga imaginary friend's daw si lolo nuon, nagpapatentero daw si lolo na mag isa lang tapos tawa ng tawa (nag eenjoy daw si lolo) pagkahapon tinanong siya ng mama niya kung sino kalaro niya, may pinangalanan daw si lolo na tatlong bata na kalaro niya (which is hindi nakikita ng mama niya).

Ilang days, iksaktong full moon, gabi na nun naglalaro pa daw si lolo sa labas tapos nagulat mama niya kase bigla siyang nawala. Hinanap nila si lolo ng 2 weeks, kahit saan sila pumunta di nila mahanap si lolo.

Tapos dun na nila naisip baka may ibang entity na kumuha (may tatlong balete sa unahan ng bahay nila) pumunta agad sila sa balete at duon nag ingay na ibalik ang bata sa kanila. 1 week din daw nilang ginawa ang pag iingay palibot sa balete, gamit nila kawali, lata hinahampas nila para umingay (ayaw daw ng engkanto ang maingay kaya ganun ginawa nila) after a week, bigla nalang nilang nakita si lolo sa labas ng bahay nila.

Tinanong si lolo nun kung asan siya ng 3 weeks, sabi niya.

Dinala daw siya ng mga kaibigan niya sa lugar nila (imaginary friends) kase fiesta daw sa kanila, na amaze daw si lolo nuon kase ang mga bahay mahalintulad sa mga palace tapos bricks yung ding ding, isang napagandang lungsod daw tapos madaming mga tao. So ayun, nuong kakain na si lolo sa mga handa nila, nagtaka si lolo kase bakit daw black yung rice (sanay si lolo sa white rice) kaya di siya kumain, tapos mga handa daw mga buong manok na may sabaw, tapos mga pagkain na di niya maintindihan kung ano kaya di siya kumain, humingi lang daw si lolo nuon ng tubig. Tapos sa moment din na yun sumigaw yung mama ng kaibigan ni lolo na ibigay na siya sa magulang niya kase ang ingay daw (naingayan yung engkanto sa hampas ng lata at kawali na ginawa ng mama ni lolo) kaya ayun nagising nalang daw si lolo sa likod ng bahay nila na kung saan siya naglalaro bago sila pumunta sa lugar ng mga imaginary friend niya. Akala din ni lolo na 1 day lang siya nawala pero 3 weeks na pala.

Nakakatakot sa part ng mama at papa ng lolo ko yun kase if kinain niya yung pagkain hindi na siya makakauwi pero para kay lolo, magandang experience daw sa kanya kase ang ganda daw ng lugar, he never seen ganung lugar daw in this world. Parang fantasy.

Sorry sobrang haba.




📜Let's Takutan, Pare
▪︎2025▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now