BOSES

22 0 0
                                    

BOSES

Hello mga Ka-Spookify!
Try ko lang po ishare ang aking story.

This happened last January lang this year 2024. New year's eve ito and halos lahat ng tao nagcecelebrate ng New Year (Hindi kopo nilalahat). Usual na handaan at kantahan sa Karaoke magkabilaan, kahit nga tanghali palang e nagkakaraoke na.

So eto na nga, ako lang ang nagkakaraoke saamin since 4 lang naman kami nagcelebrate sa bahay (Ako, Asawa ko, Byenan ko, at pinsan ng asawa ko).

Ang bahay po kung san kami nagcelebrate ay sa bahay po namin, ng pamilya ko (originally 4 po kami) Pero ako nalang po natira dahil yung kapatid ko ay nagpamilya na din. Ang tatay ko ay namatay nung Grade 6 palang ako. At yung nanay ko naman ay kakamatay lang last 2021.

Ang mama ko ang pinakamasayahin at kapag may handaan o kasiyahan, hindi mawawala ang karaoke sakanya. Ang favorite nyang kantahin ay "Just another woman in love". Ito yung huling kinanta ko nung New Year sa Karaoke, and pagkatapos ko itong kantahin nalowbat yung mic. Ang tanging bukas nalang nung time na yun ay yung speaker at yung signal ng mic na nakakabit sa amplifier.

Alas dos na yun ng madaling araw nandun padin kami sa labas ng bahay kasi kakatapos lang ng fireworks kaya nagpahinga muna kami bago matulog. At habang nakaupo kaming lahat, nagulat nalang kami ng may "BOSES ng babae" na nagsalita sa mic. At kapag nagsasabi ako ng "Ma happy new year, I miss you" ay bigla nalang sumasagot ito sa mic pero walang maliwanag na salita. Boses lang tlaga ang maririnig. Hindi dere derecho, may time na malakas yung boses may time na mahina at iba iba ang nasasagap.

Kaming lahat ay nagtaka kasi saan naman manggagaling yung boses na yun e isa lang naman ang mic namin at lowbat pa nung time na yun kaya imposibleng may gagamit.

Doon ko naresearch na may frequency palang ginagamit ang mga spirits for communication and siguro yung way na yun ay yung frequency doon sa mga nakabukas na system na nabanggit ko sa taas.

Sa sobrang takot namin, nagpasya nalang kaming patayin na ung mga nakabukas na speakers, ampli at yung signal ng mic at magsitulog na.

Afterwards wala naman na kaming ibang naramdaman pero nung pinagusapan namin yung nung umaga parang si mama talaga yung gustong makipagcommunicate at makicelebrate samin.

Ayun lang po sana naintindihan nyo po ang aking true story. God Bless po sa lahat.

P.S I miss you mama and papa kung saan man kayo ngayon, lagi nyo po kami gabayan 🙏

- KZ




📜Spookify
▪︎2025▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now