Our House

28 1 0
                                    

Our House

*Sana po mapost to*

Nakatira ako sa Valenzuela, dito na ko pinanganak at ang bahay namin ay tinayo ng mga 1960's ,habang yung lupang tinatayuan nito ay kanila lolo at lola.Malawak ang lupa namin, kaya yung harap paupahan, yung gitna bahay namin, at likod ay malawak na garden, sa likod ng bahay namin ay bakanteng lote, merong century old tree dun(santol) malaki na sya at madaming sanga, oo nakakatakot .
Back to the story, yung bahay namin ay puno ng creepy story. Pero itong kwento ko ay base on my experiences,
Di ko na sisimulan sa pinaka unang experience ,pero sa medyo creepy...

Nasa may harap kami ng pinsan ko, kasi lalabas si tito dala kotse nya,so yung pinsan ko isasara nya na yung gate dahil nakalabas na si tito, habang ako nakatayo lang sa hagdan (may two steps ng hagdan sa harap ng pinto namin) pinapanood sya, habang sinasara nya na yung gate . Nagulat ako, sa likod nya may pugot ulo na nakabarong, syempre nagulat ako medyo natulala pero pagtingin ko sa kanya nagulat sya sa expression ko . Pero di ko na maalala sunod na nangyari dahil matagal na yun,at bata pa ko,pero seriously naalala ko yung pugot.

At isa sa pinaka often na nangyayari, yung Doppler ganger (sana tama spelling) unang beses ay naalimpungatan ako at nakita ko si mama na nakatayo sa harap ko pero blurred mukha, alam ko si mama yun kasi sa katawan,buhok at damit, pero naalala ko di itim suot nya ng araw na yun at nasa kabilang kwarto sya, pero pinagsawalang bahala ko na lang, second doppler ganger ni mama ulit sa hagdan naman at naka itim nanaman pero biglang nawala ulit. Third sa yaya ng kapatid ko, at lastly parang shadow lang sya ng bata na tumakbo so akala ko kapatid ko kaya sinundan ko pero tada! Wala pala.

Uhmm eto naman, sa kwarto ng lola at lolo ko, may bisita kasi kami (mga kapatid ni lola) tapos yung pinsan ko na ka edad ko hinahanap ko, makikipaglaro kasi ako so  pumasok ako sa bahay, silang lahat nasa garden. So ayun, naghahanap ako at binuksan ko kwarto ni lola at lolo ,madilim pero kitang kita ko sa kama nila, may nakaitim na belo ,babae at nakaluhod nakaharap sya I think dun sa Jesus Christ na nakapako sa itaas ng head board nila lola, pero ako syempre takot sinarado ko yung pinto at lumabas ng bahay .

Isa pang experience ay aswang (I think) not sure pero yung araw na yun, late na umuwi pinsan ko yung kasama ko nunh may nakita akong pugot. Nagtanong sya sakin kung anong nangyari sa fave show namin, habang ako nagkwekwento , bigla akong napaharap sa bintana kasi malaki yun puro jealousy (sana tama spelling) at putspa sa bubong ng pinapaupahan namin may gumagapang na tao, kitang kita ko kasi dahil na rin sa poste ng ilaw. At maya maya naging parang pusa sya, pero ako tinuloy ko na lang kwento ko sa pinsan ko, para di nya mahalata .

P.s. sorry kung mahaba pero mas madami pang nakakatakot na nangyari sa bahay kesa dyan, di pa yan lahat . Pero huta ang lamig kahit summer na, parang may katabi ako pag alis ng kapatid ko ,thanks ...

Styles😻




📜Spookify
▪︎2024▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now