Mt. Ugo

22 0 0
                                    

Mt. Ugo
Feb 2019

Gusto kong magkwento. Pasensya na medyo mahaba yata.

Mt. Ugo dayhike na naging day to night hike.

Mga gabi na to sa bundok.
Ito ung dalawang daan after ng malawak na parang taniman after ng Lusod village yata name nun (from the summit na to)

Tpos after ng semento may dalawang daan(kanan at kaliwa) paakyat.

Dahil ako palang ung naka ulit dito, tinandaan ko kung saan ung daan(nag sense nalang ako na sa kanan un) luckily, tama naman kase may malapit na bahay ng lokal, sumigaw at nagtanong kami at sabe nia oo dun daw. Tpos may nakita kaming ilaw sa malayo na galing village ( mga kasamahan namin-ika 2 group), inilawan namin at para gawin nilang tanda na andun nga kami sa kanan. After few mins, kako nasan na sila ang tagal naman at imposibleng wala pa hndi naman magtatagal sa lakad un. Sabe ko nalang sa isang kasamahan namin, balikan ung ika 2nd na grupo na hnihintay namin, tapo pag balik nung tropa naming guy ksama na ung isang grup(hinabol pala nya sa isang daan), ang sabi nila eh dun daw nila nakikita sa isang daan yung mga ilaw at sinundan lang daw nila...

Tapos nauna ulit kaming unang grupo, nsa pinakahuli ako tapos nagulat ako na may biglang sumulpot sa likod ko, isa pala sa 2nd grup, hingal na hingal at pilit na hinahabol daw ako. Sabe ko baket siya gahol na gahol - nag advance daw sia at nauna sa 2nd grup tpos mag isa nalang sia at habang mag isa daw sia may nakita syang babaeng nakaputi sa gilid ng trail kaya pilit nya kaming hinabol sa grup 1.. tapos nagmadali na ulit kaming maglakad.

Bago pa mangyari yan, muntikan na kaming maligaw dahil parang paulit ulit nalang kami sa nilalakad namin. Hanggang sa huminto kami at napansin na ng tropa naming lalake na paulit ulit na yung nilalakad namin tapos nagalis yata sia ng shirt sa loob or nagbaliktad? Afterwards, naka alis na kami sa KM na un.

May pagkakataon pang 5 kami sa trail(originally sa grup 1, 4 lang kami), may sumusunod samin ika lima kaya nananahinik nalang kami at tuloy sa paglalakad pag ganun(na sinasabi nung isang ksama namin na may iba kaming kasama). Minsan nga nakapikit pa akong naglalakad kasi alam mo ung prang may nakatingin sayo sa palikid. Wala akong third eye pero kabang kaba na kase ako that time.

Share ko lang. Marami pa kaming naranasang kababalaghan dyan sa mt ugo nung napakahabang gabi na yan nung nag dayhike kami kaya never ko nang idadayhike ang isang major 🤣






📜Travel Horror Stories
▪︎2020▪︎

[7] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Where stories live. Discover now