Chapter 55-B: It's You

93 7 3
                                    

Lumipas ang dalawang araw noong unang babala ni Immovable sa Ender Guild tungkol sa hindi pagpatay sa mga Orcs or Darl Elves, Matapos yun ay naka balik na sya sa Korea kasama ang kanyang dalawang kapatid na sila Avani at si Lorica.

Maayos naman dahil dinala naman na nila ang kanilang mga kailangan at mahahalagang gamit habang ang dati nilang mga kinauutangan sa America sa kaworker nila ay binayaran na ni Immovable.

Umuwi sila sa bagong bahay ni Immovable, Dito naibili na ang mga gamit nila na kailangan sa laro tulad ng Capsule Pad at mga tips na kailangan lalo na mag sisimula sila sa last server ang server 7. Hinayaan na ni Immovable kung ano ang destinasyon ng laro nila kung magiging physical damager ba sila, support, tank or magic damager.

Nasa kanila na yun.

Sa ngayon ang focus ni Immovable ay planong gagawin nya matapos nyang balaan ang Ender Guild matapos nitong matalo ang kanyang Guild.

Sa pagpasok ni Immovable ay nasa isang mataas na bundok sya kung saan nakita nya ang ilang players na nagulat ng may lumitaw na 7.8 metrong halimaw na Leon sa kanilang harapan. Napatakbo nalang sila sa takot dahil ng inatake nila ito ay 0 damage lang ang lumabas.

Malakas pa ang level suppresion na feeling nila sa kada gamit nila ng Mana sa pag atake ay halos 2-3 times ang gastos.

Wala lang paki alam si Immovable na hinayaan ang limang players na nakakita sa kanya at nagsalita nalang sya sa kanyang sarili "Halos dalawang araw na din ang lumipas, Sigurado ako na may mga pumatay ng Orcs sa mga village kahit hindi nila pinatay ang Orc hehehe hahanap ako ng dahilan para magkaroon ako ng rason para patayin silang lahat"

Kung naririnig lang sya ng lahat ng players ngayon sigurado manggigil sila sa galit. Ibig sabihin pumatay man sila ng Orcs o hindi ay balak talaga sila patayin ni Immovable ang lahat ng players na patuloy ang paglapit sa kanyang 1st Headquarters.

Kaya sa mga oras na ito ay inubos nya ang lahat ng City level, town level at village level na mga lugar gamit ang kanyang Land Crush na ngayon ay Meteoric Impact na ang tawag, dahil lahat naman ito ay wala na ang mga Orcs, Ito ang kailangan ni Immovable gawin para mas mahirapan ang mga players sa resurrection points nila.

Sa madaling salita pag wala silang resurrection point ay aabutin ng 2 days sa laro ang paglalakbay nila sa tunay na buhay na katumbas ay 12 hours na paglalakbay gamit pa ang kabayo or any pet nila sa lagay na yun.

Mapapagod at ma-iirita sila sa bagal.

Masama ba ang ginagawa Immovable?

Maraming iisipin na masama pero laro lang ito, lalo nat ito ang dahilan kaya nagpalakas si Immovable para macontrol nya ang mga bagay parang si Superman na sumusunod sa batas pero si Deon ay hindi na kailangan sumunod sa batas nila.

Mabait na sya sa mga nakaraan pa habang tinitiis ni Immovable na binubully ang kanyang Guild habang sya ay kinukutsa na isang madayang player dahil sa lakas.

Huwag daw sya sasali, huwag daw gagamitin ang mga Silver Giant Pet na meron sya at marami pang kondisyon.

Saan ang hustisya doon?

Malakas ka nga sunod sunoran ka pa din sa batas nila, Kaya sawa na syang sumunod. Gusto nya din gawin ang mga dati nyang nagagawa na mahirapan sa laban pero malabo na mangyari ito.

Level 99 na sya.

Legendary Equipment na ang  mga suot nya.

+10 set equipment at weapon pa meron sya.

Evolve skills na meron sya.

Ang dati nyang blood line na 50% noon ay 100% na pure Blood na ngayon.

Kaya na uunawaan na talaga ni Immovable na boring din maging masyado malakas, Parang dapat mahinay sya sa kilos nya para hindi makasira.

Kaya naisipan nyang wasakin ang mga strategic resurrection point nila para mas mahirapan sila sa laro at matagalan sa paglalakbay.

Mapressure silang lahat na mga players.

Matapos nyang gawin ang pagwasak ay nabasa nya sa mga comments, ang  galit at inis ng mga players kay Immovable. Natawa nalang si Deon na mas galit ang mga players ay mas masaya sya.

"Nagiging bully na ata ako" Himas nya sa kanyang balbas.

Basa lang sya ng basa ng mga comments kung anong pagpapahirap pa ang gagawin nya sa mga players, Wasakin ang mga Guild nila? Harangan ang mga mining area, Agawan ng boss loot? Manguha sya ng mga Diamond Boss tapos hayaan nyang mag-wala sa labas ng City nila para hindi sila lumabas.

Daming na iisip ni Immovable na pwede nyang gawin para sa mga players.

Hanggang sa...

May naramdaman sya na masamang bagay na sa gera nya lang nararanasan.

Whooosh!

Nasira ang salamin ng bintana kung saan ginagamit nya ang laptop sa ngayon at buti nalang nakailag sya ng kaunti at tinamaan lang ang braso nya ng bala ng rifle kaysa naman sa kanyang ulo.

Galit at kalmadong utak ang gumana sa isipan ni Deon, Unang pumasok sa utak nya ang gumamit ng barel pero wala na sya nito dahil sa pagbabagong buhay.

Mabilis tumuwag si Deon ng pulis at ambulansya sabay nag first aid treatment muna sya para mapigilan ang pasamantalang pagtulo ng dugo.

Nakayuko lang si Deon ngayon na parang gumagapang na crocodile, Lumabas sya ng kwarto sabay punta nya sa kitchen para kumuha ng kutsilyo para atakihin ang sino mang papasok sa bahay.

Pero dumating na ang mga pulis at mga nurse ay wala na talagang umatake sa kanya. Ginising nya ang kanyang dalawang kapatid para samahan sya sa hospital at para na din maproteksyonan silang tatlo.

Takot at nag-alala sila Avani at Lorica kaya sumunod agad sila sa kanilang kuya sa hospital.

Nagtataka pa din si Deon paano nalaman ang kanyang lokasyon.

"Ibig sabihin gusto talaga nila ako ipapatay?" Natawa nalang ng kaunti si Deon at naisip ang mga malalaking transaction nya na pumasok sa kanyang bank account dahilan para malaman ang tunay nyang pangalan.

Medyo narelax na si Deon sa mga nakalipas na panahon lalo na hindi na sya sundalo, Hindi nya na laging kailangan maging alerto tungkol laban.

Kaya hindi nya inaasahan na may gagawa sa kanya ng ganito.

Dalawa lang ang naiisip nyang salarin, si Whiteblood o si Lepson.

"Ako papatay sainyo pagnalaman ko kung sino sainyo" Gigil na bulong ni Deon na para bang nagising muli ang kanyang pagka sundalo.

Kaya ng dumating ang walong panibagong pulis para sa imbestigasyon ay sinabi nya ang mga maaring dahilan ng pag-atake sa kanila.

Hindi nya sinabi ang tungkol sa account nya, na pinapapatay sya para mawala sa laro. Mas lalo lang malalaman din ng pulisya o Gobyerno na sya si Immovable ang naghahari sa laro.

Kaya ibang dahilan sinabi nya na marahil dahil dati syang sundalo, mga pamilya ng mga pinatay nya sa gera na may galit sa kanya noon ang maaring salarin na nahanap ang lokasyon nya. Kailangan nya lang ng proteksyon para sa kanyang mga kapatid na babayaran nya naman.

Matapos ang ilang oras na usapan ay pumayag ang polisya lalo na sasahod ng malaki ang sinong poprotekta sa kanila.

Matapos ang kaunting pagamot ay mabilis din silang umuwi sa kanyang bahay kasama ang ilang pulis na nakamasid sa buong paligid sa mag-gabing ito.

Katabi nya ang dalawa nyang kapatid na maginhawa na ang tulog na para bang alam nila na hindi masyado nasaktan ang kanilang kuya.

Mabutas ba naman braso mo pero parang baliwala lang kay Deon.

 Hinayaan nya nalang at nagiisip nalang si Deon kung paano nya papahirapan ang dalawang suspetsa nya.

"Lepson...Mukang ikaw nga"

The Immovable OnlineWhere stories live. Discover now