xxvii

8.7K 546 300
                                    

Kyungsoo

Natatawa ako kasi kanta nang kanta si Asher sa sala habang nanunuod sila. "Asher, tigilan mo yan! Bakla yun si Barney! Iba nalang kantahin mo, kajirits." sabi ni Luhan, "Hahaha! Sorry, Appa Jongin. Nandyan ka nga pala, medyo madilim kasi." dugtong nya pa. May saltik talaga 'to. Maya-maya ay lumapit sya sa akin. I ignored him. "Bait mo ngayon ah?" bungad nya pero hindi ako sumagot, "Iba na ata yan." Tinignan ko sya.

"Anong iba? Tigilan mo nga ako."

"Ehem, pabebe." Pinandilatan ko sya ng mata, "Kahit ano pa yang desisyon mo, Kyungsoo. Susuportahan kita. Sino man ang piliin mo sa kanila sa huli, I won't judge you." Nangunot ang noo ko, "Oh please," Luhan rolled his eyes, "Don't deny the fact the you are still attracted to him." I shoved his finger pointed on me.

"O-Of course, I-I'm not." I said.

"Hahah. Why are you stuttering? You really are. I can see it in how you look at him. Hindi mo lang kasi yun matanggap. You can't accept the fact that after all of this sh!t he still have that same effect on you." Nairita ako dahil dun. He's talking as if he knows everything. I turned around. "Hindi na ako magsasalita, I'm outta here." Napatingin sya sa bintana. "Pitingini, Sehun!?" bulalas nya at agad na kumaripas ng takbo palabas.

No way, I mentally said.

Hinain ko na ang pagkain. Hindi na namin aantayin si Luhan, baka nakipaglandian pa ang gaga. Nasa gitna si Jongin at magkatabi kami ni Asher. "Kain na," sabi ko. Nilagyan ko ng pagkain si Asher, "Asher, kumain ka ng gulay nak, huwag puro chicken. Ang taba mo na. Bigat bigat mo na." Ngumiti lang sya. Mabuti na nga lang at malikot sya kaya siguro nabuburn agad ang mga kinakain nya. Sakto naman kasi ang intake and output nya, kaya naman hindi sya ganun kataba.

"Cute naman po ako eh." aniya.

Natawa si Jongin, "Kain lang nang kain, Asher. Basta pag laki mo, huwag kang magpapaiyak ah?" sabi nya at napatingin sa akin. Napayuko ako at binalingan na ang plato ko. Napapasulyap ako sa kanya kasi alam kong mahihirapan syang kumain. Right handed sya at yun pa ang nakacast. Sabi ng doktor kahapon na tinawagan namin, it will take weeks bago gumaling. Mabuti na lang daw at 'di ganun kalala ang damage.

Pinaghimay ko si Ash na nililipat naman nya dun sa plato ni Jongin. "Appa, kain lang nang kain para po gumaling na rin kayo. Hihihih." Ginulo ni Jongin ang buhok nya, "Hindi po ako magpapaiyak, promise ko po yan. Papaiyakin ko lang po yung bad people po. Katulad po ni Jesper, bad po sya. Hindi kami bati!" I chuckled, "Sabihin nyo po sa kanya, bleeh." He said.

"Mabait naman si Jesper nak." Jongin said.

Asher crossed his arms, "No! Bad sya. Sinungaling po sya. Hindi kayo aalis 'di ba Appa?" Nagkatinginan kami ni Jongin. I can sense na hindi nya alam kung ano ang isasagot nya. Tumango nalang sya. "Yehey! Hindi nyo ako iiwan eh. Eomma, walang tubig!" sabi nya. Napatingin ako sa table, wala nga ako nalagay. Bumaba agad sya at kumuha ng tubig at inabot kay Jongin, "Appa oh," Nagmamadali sya kaya natapon yun kay Jongin, "Hala. Natapon ko. Sorry po, Appa."

"Okay lang, good boy ka naman eh."

Tumayo si Jongin at umakyat. Nanatili lang akong nakaupo. Paano sya magbibihis? May cast sya? Of course, he need help. Napakamot ako sa batok ko't sinundan sya sa taas. Naabutan ko sya na nakaupo lang sa kama nya. "Need help?" Bakas ang gulat sa mukha nya. Pumasok ako at tumayo sa harap nya. I can't even move. "Ah, pipikit nalang ako." sabi ko na syang tinawanan nya, "Oh, anong nakakatawa dun?"

"You seem shy." He said.

"Awkward, hindi shy. Tss."

"Balak ko nalang sanang patuyuin eh." sabi nya saka tinignan ang kaliwang kamay, "Thanks for your help, Kyungsoo." He added. Tinulungan ko sya matanggal yung shirt nya nang hindi naaapektuhan yung kanan nyang kamay. Nakatuon ang pansin ko sa ginagawa ko at hindi sa tingin sya sa akin. Nakakailang kasi eh. I need to focus. "I don't want to go, Kyungsoo. Is that okay with you? I know, sabi ko aalis din ako but I just can't bear the thought knowing how badly Ash wants me to stay." Hinawakan nya ang braso ko, "If only we can be a family again but I know, that is impossible."

KaiSoo: Twisted Fate [MPreg] [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon