xxviii

7.5K 540 281
                                    

Kyungsoo

Nagangat ako ng tingin sa taong katabi ko sa couch. Si Jongin? Natutulog din sya ng mahimbing. Tumabi ba sya sa akin? "I love you, you love me. I lo-" Narinig kong kanta ni Asher sa may hindi kalayuan. Nagpanic ako nang marinig ang isa pang yakap ng tao. I'm sure si Luhan. Aasarin ako nun. Hindi ko alam gagawin ko. Tatayo na ba ako? Bahala na nga! Nagpanggap akong tulog pa rin kahit gising na gising naman talaga ako.

"Stop it, Ash! Bakla nga si Barney!"

"Po? I love you, you love me-"

Tuloy pa rin sa pagkanta si Asher.

"What is going on here? Ano na namang kalandian 'to ng Nanay mo? Humuhupa na ang sakit na MERS pero heto at lumalaganap na ang sakit na Pabebs. Pati sa Facebook ah? Pabebook na dahil sa mga pabebeng selca ng mga Pabebeng yan na idol si Sarah G. I crii. Sorry po sa mga popsters dyan ah." bulalas ni Luhan. Pinigilan ko nalang ang sarili ko na sakalin na sya. I'll just wait for Jongin to wake up first. Lagot sya. "Ang sweat ng pabebe mong Ina at Appa." dagdag nya pa.

Naramdaman kong gumalaw si Jongin. Dun na ako nagising 'kuno'. "Tingini ah. Hindi nyo ako ginising!" Tumingin kunwari ako sa wall clock. Alas tres na ng hapon. Naiwan ko pa yung nilalabhan ko. Sana hindi ko nalang sinuggest yun, kasi naman yung brief nya. Tatayo na sana ako pero biglang nagring ang phone ko. I yanked it out of my pocket. "Hello, Chanyeol??"

"I'll be there tomorrow." He informed.

"Bukas? Osige, ingat ka. Okay?"

"Sure. I missed you babe." He said.

"Missed you too." Lumabas ako sa porch at dun sya kinausap. Nakatanaw ako sa malayo, "Aantayin kita bukas. Ingat ka sa byahe ha?" Napangiti ako, I could still feel these fuzzy feelings. Miss ko na talaga sya. Gusto ko na syang makita. "Okay na ba yung sinabi mong aayusin mo kaya uuwi ka na dito?" I asked. It took him a few more minutes before he could finally answer. Why do I feel like there is really something he's hiding from me? Kutob ko lang ba yun? I mean, lagi ko kasi iniisip na business matters ang dahilan.

"Hindi pa.. Maayos ko rin yun." He sighed, "Gagawin ko ang lahat para maayos yun, Kyungsoo and about the proposal, Dad is reconsidering it. I badly wanna see you. Baka kasi pag nagtagal ako, wala na akong babalikan dyan." aniya, "I'm dead serious. Hands off na sya sayo. Tss. I'm sorry, I just can't stop thinking about it. Maybe because I got cheated once? I don't want it to happen again. Are you mad? I'm so sorry."

Natawa ako, "Jelly jelly ka masyado. I know how it feels so bakit ko gagawin sayo? Mahal kita. Huwag mong kakalimutan yun ah? Huwag ka ng magselos. Basta paguwi mo dito, ipagluluto kita. Make it fast." Narinig kong natawa sya, "Chanyeol, I trust you." ani ko, "Don't break it." Natahimik sya ng ilang segundo.

"I-I, I won't Kyungsoo. I love you."

"I love you too." sagot ko, "Muntik ng maaksidente si Asher but Jongin saved him. Kinabahan talaga ako. Akala ko may mangyayaring masama sa kanya eh." I told him. Napalingon ako sa loob at nakita ko nalang na tinatapik ni Luhan ang likod ni Asher. Umiiyak ba sya? Iyakin talaga 'to si Ash. "I'll call you back." I said. Binaba ko na ang tawag at pumasok agad sa loob na kasalukuyan na silang tawa nang tawa. Luh, anyare?

"Hindi ako nagturo nun ah!" Luhan said.

"San mo nakuha yun, Ash?" Jongin said.

"Napanuod ko po. Iyak po nang iyak yung babae po tapos sabi nya yun dun sa lalaki. Ginaya ko lang po. Hihihi." Nahihiya syang napayuko, "Sabi nya pa nga po, edi tangina--" Tinakpan agad ni Luhan ang bibig nya. I think kailangan naming i-filter ang papanuorin namin from now on. Natatandaan nya kasi agad ito. He giggled, "Natatawa po kasi ako dun sa babae eh. Inuulit-ulit ko po yun sa CP ni Tita Luhan." He added.

KaiSoo: Twisted Fate [MPreg] [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon