xxxv

8.6K 468 299
                                    

Jongin

"Nice to meet you?" sabi ni Kyungsoo.

"The pleasure is mine. I really really wanna meet you. May gusto kasi akong bawiin eh. Something you took from me." Seryosong sabi ni Baekhyun na nagpakunot naman sa noo ni Kyungsoo. "Hahahaha. I'm so sorry. Napagpractisan tuloy kita. Gusto ko kasing sabihin yan sa kerida ng asawa ko." aniya't tinapik ko ang balikat nya, "Mga kabet nga naman. Sorry, Jongin ah!?" Tumango ako.

"Ah? Mauna na ako." Kyungsoo said.

"Kyungsoo!!" sigaw ko nang tumabko sya palabas. Hinabol ko sya hanggang sa may porch at napatigil. Tinanaw ko nalang sya habang tumatakbo palayo. Napasabunot ako sa ulo ko at sinipa yung pinto. Takang napatingin sa akin si Baekhyun nang agad na pumasok ako at umupo sa sofa. "Don't give me that kind of look, Baekhyun. Argh! Hindi ko na alam gagawin ko!" I groaned in frustration. I want to FIX it with him by my side. Selfish na kung selfish. I just can't let him be with him but he chose him over me.

"Fight for him then?" He said.

"Eomma, I wanna go to sleep!"

Napatingin kami kay Jesper na nakatayo sa gilid na halatang antok na antok na rin. Baka hindi siguro sya nakatulog sa byahe ng maayos nila. Nagkatinginan lang kami ni Baekhyun. Hell, I'll fight for Kyungsoo! I will do everything just to have him back in my side. "Okii. Just wait a second, Jesper! Kung mahal mo talaga sya, Jongin, sundan mo pero maligo ka muna. Kahiya naman sa katawan mo, nakatopless ka pa." Inirapan nya ako, "Oo nga pala, may bisita ba sila? I mean, yung boyfriend nya?" Tanong nya na syang ipinagtataka ko lang. Tumango ako't ngumiti sya ng makahulugan, "Aasikasuhin ko muna 'tong bulilit ko, baka magwala pa ng bonggang-bongga. Paakyat nalang ha?"

Tumango ako.

"Eomma, where's Appa?"

"He's here." Baekhyun said.

"Nandito asawa mo?" Tanong ko.

Tumango sya. Inakyat ko yung gamit nila sa taas. Okay lang sa akin na dito sila. Isa pa, sa kanila naman 'to. Baekhyun is just my friend. Walang malisya. Iniisip ko lang ang iisipin ni Kyungsoo sa aming dalawa. I took a shower after. Hindi ako mapakali sa kakaisip. Dumiretso agad ako sa bahay nila at sinalubong naman ako ni Asher. Ginulo ko ang buhok nya at pinalibot ang mata ko. Hinanap ko si Kyungsoo pero wala sya dun.

"Hello Daddeh Jongin!" Luhan said, "Nasa taas si Kyunggiebeb," Hahakbang sana ako paakyat pero napatigil sa dinugtong nya sa akin, "Ah, kasama nya ni Chanyeol?" Agad na naitikom ko ang kamao ko. Magkasama sila sa taas? What the fck! Anong ginagawa nila? It's making me go crazy. "Kalma lang. Utak mo ah? Walang ganun. Mwaheheheh. Pero baka ganun? Namiss nila ang isa't-isa tapos alam mo na. Selos ka ba? Ikaw kasi." Iniisip ko palang, gusto ko ng magwala sa oras na yun. The fck! Oo alam ko, hindi na sya sa akin pero mahal ko si Kyungsoo eh.

"Asher!" tawag ko kay Asher.

"Bakit po, Appa?" tanong nya.

"Laro tayo sa kuwarto mo." ani ko.

"Negseselos sye. Omg!" ani ni Luhan, "Eng seye seye. Sabog confetti! Ano shampoo ni Kyungsoo? Rejoice? Palmolive? Sunsilk ba? Pangkabayo kasi yun sa akin. Palitan ko na nga. Mukha ko ata kumakapal, hindi buhok ko." Narinig kong sabi nya. Naibagsak ko ang balikat ko. Luhan is unbelievable. He's crazy yet entertaining. Nasa panganib nga lang ang anak ko sa kanya. Napopollute sa mga kalokohan nya kasi. But I'm not mad.

Hinawakan agad ni Asher ang kamay ko at hinila paakyat. Narinig ko na napahagikhik si Luhan. Nagiinis ata 'to eh? Gusto nya ata talagang magselos ako?? Nadaanan namin ang room ni Kyungsoo, nakasarado. Hindi ko alam kung nakalock eh. "Sandali, anak. I want to check something." Hinawakan ko ang door knob at ilalapit ko sana ang tenga ko pero biglang bumukas ang pintuan nito. Bumungad sa akin si Kyungsoo. Kunot ang noo nya habang may hawak na bed sheets.

KaiSoo: Twisted Fate [MPreg] [BoyxBoy]Where stories live. Discover now