liv

7.1K 375 286
                                    

Last chapter na po ito. Epilogue next. Huehue. Chanbaek and Hunhan will have their own story po. Since ang timeline nito ay future na, konting spoiler lang muna para walang conflict. Baka kasi magbago rin plot ko for the two ships so para hindi masyadong magulo right? Mahirap kasing magremedyo eh.:)

---------------------------------------------------------------------------------------------
Kyungsoo

Maaga akong nagising dahil gusto kong bumawi kay Jongin kahit puyat din ako. Pagkatapos ko syang landiin, hindi ko na sya binalikan. Sinilip ko muna ang kambal sa crib at sinamantalang tulog pa sila para makapagluto ako ng almusal. Papasok pa si Jongin sa opisina, nakatulog kaya sya ng maayos? Ayaw pa naman nyang nabibitin tapos tumabi pa sa kanya si Asher. Likot nun matulog eh, parang helicopter. Paikot ikot lang.

Dahil sa trauma ni Asher, pinili namin na ibenta nalang yung dating bahay at lumipat sa iba. Gusto ko nga sana na sa Sixty Nine nalang kaya lang, Jongin can't leave her Mom dahil may sakit ito at tumatanda na rin. Syempre kung saan sya, dun lang din kami. Pagkatapos kong magluto, inayos ko ang lamesa bago muling umakyat para gisingin na si Jongin. Tulog na tulog pa rin silang magama. Natatawa tuloy ako kasi yung paa ni Asher nasa mukha na nya. Inayos ko ang pwesto ni Asher.

"Jongin, gising. Oy? Gising na papasok ka pa." Paggising ko sa kanya. Nagising naman agad sya kaso nakabusangot nga lang habang hinihilot ang noo nya. "Hehe? Sorry na po kagabi. Babawi nalang ako. Goodmorning." Sabi ko at hinalikan sya sa labi. "Papasok ka ba? Masakit ba ulo mo? Teka lang at ikukuha kita ng-" Napatigil ako nang hawakan nya ang kamay ko at hilain kaya napaupo ako sa kama. "Huwag ka ng mainis. Ano, gusto mo pang maging dose ang anak natin ha?" I asked.

He hissed, "Ikaw ang may sabi nun at saka, tama na ang tatlo. Dami ko ng kahati sayo." Natatawang hinampas ko ang balikat nya. Ang gagu talaga nito. Pinagselosan pa ang anak nya. "Ayoko na munang pumasok. I wanna spend this day with you and the kids especially — Asher. Binabangunot na naman sya kagabi eh, kaya hindi ako masyadong nakatulog." sabi nya kaya napatingin ako kay Asher. Asher became somebody else because of what happened. I mean, hindi na sya ganun kabibo o kadaldal katulad dati.

"Atleast, he's no longer that Asher in the first month of his treatment. He's smiling yesterday. I think he's slowly returning back to his old self again. Namimiss ko na ang Asher ko." sabi ko at sinulyapan si Asher na mahimbing na natutulog sa gilid namin. "Sa mental man o kahit saan pa yan, sisiguraduhin ko na hindi na makakalabas pa si Krystal. She'll pay for everthing." Tiim ang bagang na sabi ko. Yes, napasok si Krystal sa mental at sana dun na sya magstay forever ano. "Kain ka na sa baba." sabi ko at tinapik ang hita nya.

"The only thing I wanna eat is.." He smirked, "You.." Kinagat kagat nya ang braso ko paakyat sa balikat ko. "Ang dami mo ng kasalanan sa akin. Kailangan mo ng bumawi." He said, kissing my neck but then, he stopped. Umiiyak kasi ang kambal. Cockblocker masyado eh. "Timing lagi ang kambal ano? Sige na puntahan mo na muna sila at maghihilamos lang ako bago bumaba." sabi nya. Saktong pagtayo ko, nagising si Asher. "Goodmorning buddy. Gutom ka na ba?" He asked.

Tumango sya, "Opo,"

"What do you wanna eat?"

"Chicken po, Appa."

"Okay, kain na tayo."

Hinawakan ni Jongin ang kamay nito at lumabas na sila ng kuwarto. Pinuntahan ko ang kambal. Umiiyak kasi si Jongsoo, si Kyungin kasi parang niwrewrestling ang kapatid nya. Maya-maya ay tinulungan ako ni Jongin ilipat ang dalawa sa crib sa may living room. Mahirap ng iwan mag-isa sa taas ano. Kakatakot kaya. Sunod lang nang sunod sa akin si Asher pagdating ko sa may kusina. Kahit kukuha lang ako ng tubig or, magrerefill ng kanin. He's always like this after what happened.

KaiSoo: Twisted Fate [MPreg] [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon