xlix

5.7K 371 302
                                    

Luhan

"Tita Luhan,"

"My bebe boy,"

"Tita Luhan,"

"My bebe boy," Hagulgol ko.

"Maka-my bebe, anak mo teh?"

"La kam pake, huhu, bebe boy!"

"Hindi po ako makahinga, Tita Luhan. Ang baho nyo po." Napanguso ako. Ang sama. I pinched his cheeks. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib ko, got warm fuzzies just by staring at his face. "Bakit po nakashades kayo? Ang gulo gulo po ng buhok nyo, Tita. Baka po iwan kayo ni Ken." Natawa ako at ginulo ang buhok nya, "May bago po akong favorite, chicken feet!" Chicken pa rin. Hay. "Lagi po ako nilulutuan ni Lola Rosita. Ang sarap po." sabi nya at napatigil, "Namimiss ko na si Dudu." Nangasim ang mukha nya at nagsimula na namang umiyak, "Saka si Appa. Bakit hindi nyo po sila kasama? Mas love na po ba nila si Baby brother?" aniya.

"Nako, hindi. Love ka ni Dudu. Sobra syang nagaalala sayo. Hindi na nga sya makakain kasi namimiss ka na nya eh." Pinunasan ko ang luha nya, "Pagalitan mo sya ah? Paluin mo sa pwet si Dudu saka mo sabihing 'love you po' para hindi ka nya pagalitan." ani ko na syang tinanguan nya lang, "Pasensya na ha? Hindi kasi ako nagiingat eh. Kasalanan ko talaga. H-Hindi ka sana mangangayayat ng ganito. Nawala na tuloy ang susu mo sa pisngi. Condolence sa susu mo," I groaned when Baekhyun hit my head, "Aray ko ah!? Masakit yun! Hindi pa tayo ganun kaclose. Hindi mo pa ako nililibre!" Bulyaw ko lang.

"Kung anu-ano na naman lumalabas dyan sa bibig mo, ikaw." Sinuri ni Baekhyun ang katawan ni Ash simula sa braso, "Sinaktan ka ba ng bruhang Krystal na yun? Sabihin mo sa amin, anong ginawa nila sayo? Bebe boy, anong nangyari bago ang aksidente?" He kneeled, levelling his face to Asher but Asher only hugged me. Maybe, something is just pulling him not to speak. Natatakot pa rin siguro sya. "Maybe we shouldn't ask him for now. Halatang natatakot pa rin sya eh." bulalas naman nya, "Mang Kanor, ang ipinagtataka ko lang po, paano napunta si Asher sa inyo? Dinala ba sya dito ng asawa ko? This child was kidnapped. Magsalita po kayo kung ayaw nyong madamay sa kaso."

Nagkatinginan sila ni Aling Rosita, "Hindi," pagtanggi ni Mang Kanor, "Hindi rin namin alam ang tungkol dyan. Pauwi na ako nun pagkatapos ko magdeliver ng gulay sa may palengke sa Owte12. Hininto ko muna ang truck sa gilid kasi naiihi na ako---" Tinapal ko ang palad ko sa mukha nya. Kailangan talagang scene by scene? Ano, pati pagihi nya ikukwento nya rin? Knows ko na yan! Pero kapag umiihi ako, nakaupo. Walang pakialaman kung F na F ko magbinabae.

"Skip that part, go on." ani ko.

"Ahh, tapos. Nakita ko si Asher na umiiyak sa may bungad ng gubat. Nagulat nga ako kasi akala ko dwende--" Tinapal ko ulit ang palad ko sa mukha nya. Nagulat din siguro si Asher nang makita sya eh. Nagtataka ang bata kung sino ang umararo sa buhok nya at wala ng natira. "I-Itutuloy ko pa ba? May balak ba talaga kayong malaman mga hijo? Sigurado ba kayong kakilala kayo nitong si Asher?" Nanlaki pareho ang mata namin ni Baekhyun dahil sa narinig naming tinawag nya sa amin. Hindi ba pwedeng 'gurl' lang?

Mga binabaeng gurl.

Walang makakapigil sa amin!xx

"Mang Kanor, ganda nalang." ani ko.

"Huwag na po hijo," Baekhyun said.

Napakamot sa ulo si Mang Kanor, "Tinuro nya ang katawan ng babae. Iyak sya nang iyak at lagi nya sinasabi na gusto na nyang umuwi." Marahil ay si Jessica na yun? Ibig sabihin, ito yung time nung aksidente? So si Mang Kanor ang nakakita, "Inuwi ko sila sa bahay namin. May konting galos si Asher sa may braso nya at yung babae naman ay ganun din sa kaliwang noo nya," Huminto sya para huminga, "Naisip namin na baka nanay nya ito. Nung mamalengke itong si Rosita, sinama nya si Asher. Pagbalik nila, wala na yung babae." He sighed, "Aba eh, ninakawan pa nga kami ng damit at ilang barya. Nireport namin ito sa pulisya pero walang balita." Walang balita? Malaki ang fine kay Jessica for kidnapping and siguro naman, may paskil sila for Asher hindi ba?

KaiSoo: Twisted Fate [MPreg] [BoyxBoy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon