No. 10 - Dyma's Maiden #fanfic.entry [Sunset]

1.3K 26 3
                                    

Paano kung may dumating na isang tao sa buhay mo...

Sa una masaya, walang gulo, tahimik, nakakakilig tapos...

Malalaman mo na lang hindi pala pang forever yun, temporary lang kumbaga...

Pero may isa kang pinanghahawakan, yun ay yung pangako niya sayo.

***

Nakasimangot kong tinititigan yung poging lalaki na kanina pa tumatawa habang bitbit yung biik na napalanunan niya sa palaro dito sa fiesta. Dapat ako yung makakakuha nun eh! Ano na lang ang ipanreregalo ko kay tatay sa birthday niya? Namatay pa naman yung isang anak ng baboy namin. Napaiwas ako ng tingin ng ituro ako nung mga kabarkada niya, siguro napansin nilang ang sama ng tingin ko sakanya. Sa paglipat ng tingin ko eh nakita kong papalapit si Monic saakin habang nakangiti pa.

"Best! Ang galing mo talaga kaninaa. Biruin mo yung konting distansiya na lang eh...kung hindi lang sana--"

"Oo! Kung hindi lang sana umepal yung lalaki na yun! Eh di sana nakuha ko na si piggy!" pasigaw kong sabi at saka sumalampak sa lupa. Umupo naman si Monic sa tabi ko.

"Alam mo ang importante nagenjoy ka!"

"Nagenjoy? Tignan mo nga ulit ang itsura ko at sabihin mong nagenjoy talaga ako!" napataas naman siya ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Saka siya ngumiti saakin na medyo nahihiya.

"Oh sige sabihin na nating hindi ka nga nagenjoy dahil puro putik ka at may sugat ka pa sa braso at tuhod pero if there's a will there's a way!"

"Ay ewan ko sayo!" nangahalumbaba na lang ako ng bigla akong napatingin sa pares ng paa na may suot ng mukhang mamahaling sapatos na may kaunting putik. Inangat ko ang ulo ko para tignan kung sino at tumambad saakin yung poging lalaki nga habang bitbit niya pa din si piggy. Oh ano na ngayon? Magyayabang siya? Ode go, ewan ko lang kung makapagsalita pa siya pagkatapos ko siyang sapakin. Naramdaman ko namang sinisiko ako ni Monic, tumayo ako para kalevel ko siya, baka isipin niya tinitingala ko pa siya eh.

"Hi." tinaasan ko lang siya ng kilay pero nakangiti pa din siya. "Gusto ko lang sanang magsorry kanina, hindi ko naman sinasadya na mabangga ka eh pero kasi tinulak ako nung kabarkada ko."

"Alam mo? Hindi mo naman kailangang magsorry---"

"Ganun ba?" huminga ako ng malalim.

"Hindi pa ako tapos." napalunok naman siya pero ngumiti pa din kaso hindi na kasing lapad nung kanina. "Hindi mo naman kailangang magsorry kung mansisisi ka pa ng iba. Bakit kasi hindi mo na lang aminin na gusto mo lang magpasikat doon kesa sa pagbigyan yung mga taong mas nangangailangan!" saka ako naglakad palayo. Rinig ko naman na tinatawag ni Monic yung pangalan ko hanggang sa naabutan niya ako.

"Ano ka ba naman Lily! Bakit mo sinigawan yung tao? Nagsosorry na nga eh." napahinto ako sa paglalakad at nakangangang tumingin kay Monic.

"Kinakampihan mo pa yun Monic?"

"Hindi naman sa ganun pero mali naman talaga yung ginawa mo eh." di na ako sumagot pa at naglakad ng mabilis pero hindi patakbo at umuwi na sa bahay.

Inabutan ko si nanay na nagluluto sa labas ng maliit na kubo namin dito sa malapit sa tabing dagat. Marami-rami din ang nakatira dito sa tabing dagat. Sa madaling araw kasi nangingisda si tatay pero pagdating ng tanghali hanggang hapon ay nandoon siya sa bukiran, yung mga alaga naming baboy ay nandoon binabantayan nila tito Ramon. Nagmano ako kay nanay.

One Shot Stories <3Onde histórias criam vida. Descubra agora