No. 7 - A Brokenhearted's Love

1.6K 39 3
                                    

I'm a normal high school student.

Yung estudyanteng natutulog sa ibang klase. Yung estudyanteng nangongopya. Yung estudyanteng nakikikanta/sigaw sa mga kaklase niya kapag absent yung teacher niyo. Yung estudyanteng may crush. Yung estudyanteng nagmamahal. Yung estudyanteng nasaktan.

-

"This ain't the song for the brokenhearted! yeah!"

"Fam shut up!"

"Eto naman. Hindi ka ba nabibighani sa boses ko?" inirapan lang ako ni Fhaye at ibinalik ang tingin niya sa pagrereview. Oh well. I switch the song from my cellphone pero wala na  mapili kaya tinanggal ko na yung earphones ko at tumunganga na lang dun. Bakit ba kasi may pasok pa? Dapat wala na lang at dun na lang sa bahay pinagrereview ang mga estudyante. Pero di naman ako magrereview. Hihihihi--

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! ANG POGI MO TALAGA FRANCE!!!!!!!" agad akong pumunta sa bungad ng pintuan ng classroom namin and from there I see the love of my life, France Villamonte. Dumaan lang siya dun sa harap ko at parang nanlambot yung mga tuhod ko. Bakit ang pogi niya? Agad naman siyang natakpan sa paningin ko dahil sinundan siya ng madami pang babae. 'FanGirls' kumbaga. Ako din naman fan niya, independent nga lang. Bumalik na ako sa upuan ko at nakatingin lang saakin si Fhaye.

"What?" tapos binawi ko na yung tingin ko at tumingin na lang sa blackboard naming punong puno ng doodle ng mga bored na estudyante.

"You like him?"

"Who?"

"France."

"No."

"Really?"

"Yea."

"Really?"

"Ang kulit mo Fhaye. Wala nga akong gusto sakanya. wala as in wala. 0%!"

"As you say so." ngumuso lang ako dahil nababadtrip na ako. Bakit ba kasi hindi ko magawang aminin na gusto ko siya. Kahit sa bestfriend ko lang naman. Ang hirap pa lang magkagusto sa taong hinding hindi ka magugustuhan. I sigh. Argh! Eto nanaman! Ang drama ko nanaman.

"Fhaye sama ka? Kakain ako sa baba."

"Hindi na. Nagrereview pa ako e. Pabili na lang ako. Biscuit lang." inabot niya saakin yung pera. Tutal wala naman kami laging teacher this review days. Pumunta na ako sa canteen ng school namin na walang katao tao ay may isa pala. Pumunta na ako sa counter sa tbi nung lalaking bumibili hindi ko na siya tinignan. After kong bumili eh aalis na sana ako kaso may tumawag saakin.

"Ate wallet mo!" lumingon naman ako. Napalunok ako. Lumakad lang siya papalapit saakin habang nakangiti at inabot yung wallet ko. Nanginginig pa ako nung inabot ko yun.

"Sa susunod wag mong iiwan kung san san ang wallet mo."

"S-s-salamat." kinuha ko na yung wallet ko at tumalikod na para umalis. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Napahawak ako sa dibdib ko habang naglalakad. Bakit grabe akong kinakabahan? Bakit hindi ko mahabol yung hininga ko kahit di naman ako pagod? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bumalik na ako sa room at pagkaupong pagkaupo ko ay di ko pa din naiiaalis yung kamay ko sa dibdib ko paulit ulit pa din ako sa paghinga. Binigay ko na yung biscuit ni Fhaye napatingin naman siya saakin at nangasar.

"Di ko malaman ang nadarama, sa tuwing ika'y aking nakikita. May kung ano sa damdamin at abot abot ang kaba." may acting effects pa siya habang kumakanta. Umobob na lang ako sa desk ko at pinagisipang mabuti yung nararamdaman ko. CRUSH ko siya pero diba dapat wala lang 'to kasi crush LANG naman e diba?

One Shot Stories <3Where stories live. Discover now