No. 4 - One Chat Story

2.2K 53 6
                                    

[A/N: Yung mga nakabasa na neto.. Alam na~ May binago po akong ibang part! Nung binasa ko kasi yung sulat ko sa notebook ang dami ko palang nakalimutan ilagay. Hohohoho :) Nilagay ko na siya dito! Kyong(LYN)! Ito na ang story niyo ni Mr. Sungit!]

[A/N: This story is dedicated to: SUSHISALTEK slash LYN in our beautiful real world with her love of her life IRA. That's all thank yah! :* Yung story po namin 'SUSHISALTEK' andun po sa external link! Basahin niyo po prolouge pa lang yun ee. :) 'BANAL NA ASO SANTONG KABAYO' po yung title nung story namin ni LYN/SUSHISALTEK]

-----♥

Bored na bored na ako dito sa school. Kung nasa bahay siguro ako nasa harap na ako ng computer at hayahay ang buhay. Buhay estudyante nga naman.

*hikab..* *hikab..* *hik--*

Hindi natuloy yung susunod ko pang hikab dahil tinakpan nung bwisit na to yung bibig ko. Alam mo yun? padating na eh naudlot na. Tinignan ko lang ng masama si Ira. (pronouced as: ayra-lalaki po siya)

"Hikab ka ng hikab, amoy na amoy na dito yung hininga mo." sumesenyas pa siya na parang nababahuan siya. Aba! nagtoothbrush kaya ako! Kapal netong lalaki na to kung sipain ko kaya siya palabas ng room? Patience Lyn. Patience.

"Nakatalikod kaya ako sayo, baka hininga mo lang yang naamoy mo." Inirapan ko lang siya at humarap na ulit sa teacher namin. Naririnig ko pa din siyang tumawa pero ignore lang.

Natapos na din yung klase sa wakas! Malaya na ako! Makakauwi na ako! May painat-inat effect pa ako pero hindi ko sinasadya na may nasapak ako mula sa gilid ko. Tinignan ko kung sino yung swerte na nasapak ko. Aba nadikitan yung mukha niya ng kamay ko no. O-M-G!

"S-sorry hindi ko sinasadya." Syet ka Lyn! Bakit mo siya sinapak? Syet nakakahiya.

"Hindi ok lang." Nakangiti naman siya habang hinihimas yung part na nasapak ko. Infairness kahit nasapak ko siya ang pogi pa din niya.

"Sige una na ako." Sabi niya with matching bow.

"Sige, ingat ha. Sorry ulit." Umalis na siya at habang papalabas siya ng room eh sinundan ko siya ng tingin habang nakangiti. Alam mo yung feeling na para kang nasa heaven? Yun yung nararamdaman ko nun.

Natigil ako sa aking pagpapantasya dahil pinisil ni Ira yung pisngi ko. Natanggal ko naman agad ito. Nakaka-BV tong lalaki na to! Tss.

"Anu ba!" Nakatingin lang ako sakanya ng masama pero nakangiti pa din siya.

"Crush mo yun no?" Sabi niya habang nakaupo dun sa katabi kong upuan. Inaayos ko pa lang kasi tong gamit ko. Hindi ako nakalabas agad ng room dahil nga nasapak ko si Richard.

"Bakit masama ba? Wala naman siyang girlfriend. Hindi masamang magka-crush dun. Malay mo may pag-asa." Napangiti naman ako. Syet!

"Ako din naman walang girlfriend ah."

"So?" Tumayo siya at saka nilapit ang mukha niya saakin.

"Ewan ko sayo ang sungit mo talaga!" Pinisil naman niya ang ilong ko saka siya tumakbo papaikot dun sa classroom. Tapos na din naman akong mag-ayos ng gamit kaya nahahabol ko siya, pero tinutulak niya saakin yung mga upuan kaya nahihirapan akong habulin siya. Ang daya!

Nung mapagod kami eh umupo muna kami dun sa gilid ng table ni ma'am kaming dalawa na lang dito sa room eh kanina paa naglabasan lahat ng kaklase namin. Tumayo na ako at siya din tapos umakbay siya saakin at saka nagpabigat.

One Shot Stories <3Where stories live. Discover now