No. 6 - Stalker and Admirer

1.7K 49 4
                                    

[A/N: Ahm.. wala akong masabi.. hahaha.. parang ewan lang 'to.. halloween ko kasi 'to sinimulan.. anong konek? XD]

[A/N: This story is dedicated to DaeZhelle_19. Wala ulit akong masabi! Bkit ba kasi ako nag a-author's note kung wala akong sasabihin? Simulan na nga lang XD Story po ito ni Zelle at ng kanyang Mr.H :) Nasa external link po yung story ni 'DaeZhelle_19' Ang pamagat po e 'No Ordinary Love' basahin niyo po maganda na nakakatawa pa.]

-----♪

"Gosh! Watch where you're going. Do you know how expensive this dress is?"

"Excuse me? Nakauniform ka po? OA neto. Diyan ka na nga! Magsosorry na sana ako kaso OA mo teh." nilagpasan ko na yung babaeng natapunan ko ng tubig at ipinagpaatuloy ang pagmamatyag.

"Oo nga pare aattend ako dun ang kulit neto."

"Siguraduhin mo lang pre, nga pala.. andun si hanna." mas dumiin pa ang pagkakahawak ko sa plastic cup na naging dahilan upang umapaw ang konting tubig. Sino ba namang hindi maiinis. Bwisit talagang ocsing yan! Bakit niya tinurutuan na manlandi ng iba si Renz? Grrrrrrrrrrrrr! Tinapon ko na sa basurahan yung baso na konting tubig na lang ang laman. Aalis na sana ako sa canteen pero may humarang saakin. Yung babae kanina at marami na siyang kasama ngayon.

"Hey you! You'll gonna pay for this." sabay turo niya sa part ng blouse niya na basa pa din.

"Hindi ka pa din nakakagetover? Enough with the water thingy. Umuwi ka sainyo at iblower mo yan." dinaanan ko lang sila and I whipped some of my hair para mataray lang yung dating. Naramdaman ko naman na hinablot niya yung buhok. Yung feeling? Edi masakit!

"Hey! bitawan mo nga ang buhok ko! Ang dumi dumi ng kamay mo no!" actually mahina lang talaga yung sabunot niya dahil madami ng umaawat kay hindi na ako gumaganti. Hinahawakan ko na lang yung part ng buhok ko kaya hindi masakit pagdating sa anit. Bigla namang dumating yung guidance teacher kaya agad kaming pinapunta sa guidance. Naman eh. Ang gulo ng hair ko apos knya ang ayos. Pero mas swerte pa din ako kasi detention ang inabot niya at ako ay wala! Buti na lang di ako gumanti. Pinalabas na din kami dun sa guidance at hinarap niya ulit ako.

"Ikaw ang may kasalanan nito!"

"Anong ako? eh kung hindi ka naginarte nung natapunan kita? Ang OA mo! Tubig lang naman yun e." inirapan ko na lang siya at nilagpasan. Alam kong nangingitngit na siya ngayon. Tss. Pumunta muna akong CR para ayusin yung buhok ko. Nung naayos ko na e pinusod ko ulit. Pagkalabas ko e parang naging tambol yung puso ko. Dumaan kasi siya. Anu ba yan! Parang dumaan lang e. Dumiretso na ako sa locker ko para kunin yung iba ko pang gamit na kailangan para sa pagrereview ko. Malapit na yung test namin e. Pagkadating ko sa locker at pagkabukas ko nun e parang may naiba sa loob. Minumulto kaya ako?

Hindi. May isa kasing rose at chocolate sa loob with matching note. 'Hi.. This is for you. Yun lang.'

"Eh?" nasabi ko na lang sa sarili ko. Sino naman kasi 'to? Nilagay ko na lang yun sa bag ko at dumiretso na sa bahay.

"May admirer ka?!" agad ko namang tinakpan yung bunganga ni Carla. Kaibigan ko. Sabay daw kasi kaming magrereview pero parang walang mangyayari sa review na 'to dahil kinukulit niya ako kesyo daw may lovelife na ako.

"Wag ka ngang maingay." tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig niya. Pero... sino ba talaga ang nagbigay neto?

"Alam mo wag muna nating isipin yan. Clear your minds at ifocus mo sa exam. Pagtayo bumagsak lagot ka saakin." Nagkibit balikat na lang ako habang inaamoy amoy yung chocolate. Makain na nga lang baka maexpired lang sayang no.

One Shot Stories <3Where stories live. Discover now