No. 2 - She's a monster!

2.5K 76 2
                                    

"Stop it kung ano man yang birong binabalak mo.."

"Hindi ako nagbibiro.. wag kang matakot.. tao pa din naman ako.. katulad mo.."

"Hindi! hindi ka tao.. lumayo ka saakin."

Hindi ko alam kung paano at kung bakit kailangan pang saakin mangyari ang isang kahindik hindik na bagay na tulad nito.. nagsimula ang kalbaryo ko kaninang tanghaling tapat.

-

"Gino samahan mo na kasi ako.." pamimilit ng girlfriend ng katropa ko.. si Tyra.. pilit ko na yang nilalayuan pero dikit pa din ng dikit saakin..

"Alam mo.. diba may boyfriend ka naman? bakit hindi ka na lang dun magpasama?" at inalis ko ang pagkakakapit nito sa braso ko.. halata namang sumibangot siya..

Pumunta muna ako sa ground at saka sumilong sa isang puno doon. Nakakaboring talaga ang buhay estudyante.. kung hindi lang dahil sa mga magulang ko hindi na ako magaaral.. narinig ko ang mga damo na gumagawa ng ingay.. ibig sabihin may naglalakad.. sa pagkakaalam ko may klase ng ganitong oras ah bakit may tao pa dito? hindi kaya si Tyra nanaman? naku naman talaga oh.. sobra naman akong nagulat dahil sa isang nilalang na sumulpot sa harapan ko.. pero napawi lahat ng gulat ko  ng mabuti kong nasilayan yung itsura niya.. maganda siya..

"Kuya pwedeng patulong? Saan dito yung room143?"

"S-sino ka?"

"Ah.. Ako si Devi.. pwede mo bang ituro saakin yung daan papunta dun?"

"Ah cge.." medyo weird yung pangalan na yun ah..

Sinamahan ko siya dun sa room na sinasabi niya.. umalis na din ako pagkatapos.. pero hindi pa ako nakakalayo ay nakita ko siyang tumatakbo at nalagpasan ako.. anung problema nun? hinabol ko naman siya tutal wala na akong balak na pumasok sa iba ko pang klase..

"Uy miss! bakit ka tumatakbo?" hindi niya ako pinapansin. Hindi ko namalayan na nakaabot na pala kami sa rooftop.. huminto na din siya sa pagtakbo at umapak siya sa gilid ng rooftop..

"Miss wag kaang tatalo-" hindi ko na natuloy yung sinabi ko dahil tumalon na siya.. tumakbo agad ako pababa para tignan pero nakita ko siya na pinapagpag na yung palda niya.. nung nakita naman niya ako at ngumiti siya habang dahan dahan na lumalapit saakin.. na korner ako at napasandal sa isang pader..

"Anong klaseng nilalang ka?"

"Ewan.." tas agkibit balikat din siya..

"Stop it kung ano man yang birong binabalak mo.."

"Hindi ako nagbibiro.. wag kang matakot.. tao pa din naman ako.. katulad mo.."

"Hindi! hindi ka tao.. lumayo ka saakin." lumapit pa siya saakin at may ibinulong..

"Oo ang kalahating ako ay hindi tao.. wala kang pwedeng pagsabihan nun kundi.. mamatay ka.."

Simula ng araw na iyan.. hindi ko aakalaing mapapaibig ako ng isang nilalang na hindi ko ding aakalaing darating sa buhay ko..

-

"Oh pare sino yan? girlfriend mo? aba nag gigirlfriend ka na ah!" tapos inakbayan nila ako sabay sabay saka ginulo yung buhok ko.. pumiglas lang naman ako sabay ng tawanan nilang lahat.. naramdaman ko naman ang pagkapit niya sa braso ko..

"Tara na Gino.." maamo niyang sabi.. para naman akong nakuryente dahil sa paghimas niya sa braso ko kaya agad kong binawi ang braso ko.. saka ko siya hinatak papalabas sa lugar na iyon..

One Shot Stories <3Where stories live. Discover now