No. 3 - I'm In Love with a Robot.

2.3K 54 4
                                    

"Niel bilisan mo ngang maglakad.. malalate na tayo oh.."

"Pano ko mabibilisan eh pinag high heels mo ako!" Grabe talaga tong si Ash..

-

"Hi.."

"Hi.." I smile.. awkward.. ugh! bakit ba ako dinala dito ng bruha kong bestfriend kung iiwan lang din niya ako? asan na ba yun? ang sakit sakit na ng paa ko bwisit.. iniwan ko na yung lalaking kinakausap ako kanina.. di ako interesado.. umupo muna ako sa may tabi at saka tinanggal yung sandals ko.. hinilot hilot ko ang paa ko habang iniikot ang paningin para makita ang bestfriend ko.. pero mukhang bigo yata ako.. bakit ba kasi ako pumayag na sumama sa ganitong ka enggrandeng party..

Nakaramdam na din ako ng gutom.. sinuot ko na ulit ang sandals ko saka lumapit sa mga table.. kumuha ako ng mga pagkaing gusto ko saka humanap ng lugar na pwedeng ako lang magisa.. ayun! Wala ngang tao.. siguro pwede na dito.. Habang kumakain eh biglang nag ring yung phone ko kaya sinagot ko ito..

"Uy best asan ka na! Bakit bigla kang nawala?" pambungad niya..

"Nakakahiya naman sayo.. ikaw kaya ang nangiwan saakin! andito ako sa cottage sa may bandang corner ng venue.. walang tao dito.."

"Oh sige diyan ka lang.. ang daming gwapong boylets dito eh! kung gusto mo ng umuwi una ka na ha! nga pala best.. hinahanap ka ni Ivan!" si Ivan? hinahanap ako? anu nanamang gusto niya?

"Oh siya.. sige na bye bye na.." binaba ko na yung phone dahil mukhang eepal nanaman si Ivan.. habang kumakain eh may napansin ako kumikinang sa ilalim ng isang upuan dito.. para kasi siyang lumang cottage at yung chairs gawa sa kahoy pati yung sahig.. kaya kitang kita mo yung kumikinang na bagay.. pinulot ko ito.. ang ganda. Sinuot ko yung singsing na yun.. minsan lang ako magandahan sa isang bagay na pambabae.. uy! baka iniisip niyo lalaki ako ha.. babae po ako.. kaya Niel ang pangalan ko eh kasi.. 'Daniel' panglalaki pa din ba? basta babae po ako! na boyish kumilos pero.. babae po ako promise!

Tinapos ko lang yung pagkain ko at nagtext na ako kay Ash na mauuna na akong umuwi.. haaay.. buti na lang at di ako nag effort sa pagaayos kundi sayang effort talaga tumunganga at kumain lang naman ako dito.. kung hindi sana ako iniwan ni Ash edi marami pa akong naging *~fr!3ndzsx~* dito.. tss.

Paguwi ko sa condo ko eh tumambad saakin ang napaka kalat na condo.. ito na yata ang pinakamaruming condo sa buong mundo.. pinayagan na kasi ako nila mommy at daddy na magsarili pero sila pa din ang nagbibigay ng allowance ko every month! Basta daw mataas ang grades ko at di pa ako nagkakaboyfriend eh pwedeng pwede! kaya NBSB pa din ang peg ng lola niyo. Tinignan ko ulit yung singsing na napulot ko.. baka may naghahanap na neto ngayon pero.. finders keepers.. saka parang ako pa lang naman ang unang pumunta dun imposibleng may naghahanap na neto dun siguro destiny talaga ang nagdala saakin sa singsing na ito..

Pumasok ako ng kwarto.. naligo saglit at nagpanjama na.. nung handa na akong matulog eh kinuha ko yung singsing na hinubad ko dahil nga naligo ako.. pero nalaglag ito kaya pinulot ko ulit.. medyo nadumihan kaya hinipan ko.. pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari..

Lumiwanag ito ng sobra at parang hindi ko na ito makontrol kaya nabitawan ko ulit.. pumunta ako sa kama ko at kinuha ang kumot.. watda.. anong klaseng singsing ba to? tinitignan ko lang yung liwanag na unti unting nagfoform at nagmumukhang.. tao? napakagwapong tao!

Unti unting luminaw ang imahe niya.. hindi ako nagkakamali.. tao nga! tumingin siya saakin.. blangko ang ekspresyon ng mukha niya..

"S-sino ka?" napalunok din ako pero mukha natuyot yata ang bibig ko.. hindi ako makapaniwala sa mga pangyayari.. nakita kong napangiti siya..

One Shot Stories <3Où les histoires vivent. Découvrez maintenant