No. 8 - My Fixed Heart (sequel of 'A Brokenhearted's Love')

1.4K 42 2
                                    

When I first saw him, I didn't expect that he'll be so much important to me.

-

"Ok papunta na ako diyan. Yup. Sige bye." nilagay ko na sa bag ko yung phone ko at ipinagpatuloy yung pagdadrive. Haaay anong oras na ba? Tumingin ako sa relo ko. Naku! Malelate na pala ako. Mas binilisan ko pa ang pagdadrive pero hindi ko namalayan na may kotse ding papadating buti na lang at napapreno agad ako. That was close! Hindi ako makagalaw at nanginginig pa din ako. Narinig ko na lang na may kumakatok sa salamin ng kotse ko kaya lumabas ako.

"Miss ano bang problema mo? Muntik mo ng magasgasan yung kotse ko o!"

"Sorry po! Hindi ko lang po naman napansin dahil napatingin ako sa relos ko. Sorry po!"

"Tss!" padabog lang siyang bumalik sa kotse niya. What a jerk! Bumalik na din ako sa kotse at inistart na ito pero parang may mali. Ayaw mag start! nasiraan pa yata ako. Naman e! Bakit ang malas malas malas malas malas malas malas malas malas malas ko?! Ngayon late na talaga ako! Nagring yung phone ko kaya sinagot ko yun.

"Hello?"

"Fam! Asan ka na? Nagi-start na."

"Nasiraan ako Fhaye."

"Aw pano yan. Sa tingin mo makakahabol ka pa?" nagbuntong hininga na lang ako.

"I don't know but I want to go!"

"Ok ok. Pasundo na lang kita sa cousin ko. Papunta na din daw siya nung huling tawag ko e."

"Ok Thanks Fhaye!" tinawagan ko yung driver sa bahay para daanan yung kotse dito. After nun e lumabas ako ng kotse para dun na maghintay. After minutes dumating na yung driver ko at sinimulan na niyang ayusin yung kotse tapos dumating na din yung cousin ni Fhaye. Matagal pa yung pagaayos ni manong kaya kumatok ako sa salamin nun. Binaba naman niya yun. Nakaside view siya e kaya di ko makita yung mukha.

"Excuse me? Kayo po ba yung pinsan ni Fhaye? Uhm.. ako po si Fam yung pinapasundo niya." lumingon saakin yung lalaki at agad akong napaatras.

"Sakay na." binuksan niya yung kabilang pintuan tapos sinara na niya yung bintana. Sasakay ba ako? or sa kotse ko na lang? Pag sa kotse ko ako sumakay siguradong nagsiuwian na ang lahat pag nakadating ako. Dahan dahan akong umupo dun sa may tabi niya at sinara na yung pinto saka umusog sa pinakadulo ng kotse. Siya yung lalaki kanina yung nakabunggo ko. Nakakatakot kaya siya! Nanahimik lang ako dun sa tabi. Tinignan ko lang siya dun sa salamin dun sa loob ng kotse nagulat ako nung tumingin din siya dun kaya nagkatinginan kami. Dumungaw na lang ako dun sa bintana at natanaw ko na yung venue nung party. Sa wakas! Makakalabas na ako dito.

Pagkadating namin dun ay umalis na agad ako sa kotse niya at dumiretso sa party.

"Welcome ma'am." nagsmile lang ako dun sa receptionist saka dumiretso sa loob at hinanap si Fhaye. Nakita ko siya dun sa isang table lumapit kami at nagbeso beso lang.

"Best!" sigaw niya saakin saka ako pinaupo sa tabi niya.

"Asan si couz? Good boy ba siya? Nagbehave pa.. hmm.."

"Ano ka ba Fhaye! Teka kumusta? Nakita mo na ba yung iba nating classmate?" yup this party is set up by Fhaye. Reunion kumbaga.

"Yea and you won't believe what I just saw earlier."

"Huh?"

"I saw France! Oops." napatakip naman siya ng bibig at tinuloy na lang ang pagkain.

One Shot Stories <3Where stories live. Discover now