No. 1 - Halaga

3.1K 86 7
                                    

"Bakit ba kasi hindi ka nakikinig saakin?!"

"Sorry Bryan.. sorry talaga.. hindi ko naman alam eh.."

"Ganyan ka naman lagi.. diyan ka na nga! panira ka ng araw!"

Ang sakit.. alam mo yung pakiramdam na mahal na mahal mo yung isang tao pero hindi man lang niya maparamdam sayo na mahalaga ka.. hindi naman kami ganito dati.. hindi naman kami ganito ni Bryan dati.. hindi naman kami ganito ng boyfriend ko dati..

Pinipigilan ko ang pagpatak ng luha ko dahil sa dami ng taong nandito.. lagi namang ganito.. hindi ko magawang ilabas ang sama ng loob ko.. hindi ko magawang magkwento para man lang mabawasan yung sakit na nararamdaman ko.. hindi ko naman to kayang ilabas sa iba.. pwera lang sakanya.. sa bestfriend ko..

"Oh Jake.. andito ka pala.."

"Matitiis ko ba naman ang bestfriend ko? nung nakita ko pa lang yung gm mo.. mukhang malungkot ka nanaman.." siya si Jake.. bestfriend ko.. simula bata pa lang lagi niya na akong ipinagtatanggol sa kahit na sino.. pati na din sa boyfriend ko..

"Jake.. lakad lakad muna tayo.."

"Sige.." naglakad lakad lang muna kami dito.. kahit napakadaming tao na hindi mo alam kung mapagkakatiwalaan mo.. pero pakiramdam ko.. ligtas ako pagkasama ko ang bestfriend ko.. nakarating na kami sa park ang paborito kong lugar.. hindi ito kagandahan kaya wala masiyadong tao ang pumupunta.. dito madalas akong nakakapagsolo at nakakaiyak kahit kelan ko pa gusto..

Umupo kami sa isang bench na medyo nasa dulo na hindi nadadaanan ng mga tao..

"Sha.."

"Hmm?" hindi ko kayang magsalita masiyado ngayon.. parang pakiramdam ko ay lalabas na ang mga luha ko.. masama na bang pagsalitaan yung mga babaeng lumalapit sakanya? hindi niya ba alam na masakit para saakin yun? at yung ipahiya niya pa ako sa harap ng mga ito.. ano ba talaga ako sakanya?

"Sha.." pagtawag ulit ni Jake.. pinikit ko na lang ang mga mata ko at dinama ang pagyakap niya saakin saka na tumulo ng tuluyan ang luha ko..

"Sha.. kaya mo pa ba?" umiling lang ako sapat na para maintindihan niya..

"Eh bakit hindi mo pa siya pakawalan?"

"Jake mahal ko siya.." naramdaman kong tumigil ang paghaplos niya sa buhok na sadyang ipinagtaka ko.. dati hindi siya titigil hangga't hindi ako tumatahan.. nagbabago na din kaya siya saakin?

--

"Bryan.. mamaya ha?" tumingin siya saakin ng may pagtataka..

"Anong meron mamaya?" tuwang tuwa ako dahil sinundo at hinatid niya ako.. pero parang bumagsak ang buong mundo ko ng malaman kong nakalimutan niya pala..

"Bryan.. 5th monthsary na natin.."

"Ah.. sige mamaya.." kumaway lang siya saakin at umalis na.. dumiretso na ako sa room namin at kinalimutan ang pangyayari kanina..

Tumabi naman agad saakin si Jake..

"So may date kayo mamaya?" buti pa ang bestfriend ko naalala..

"Oo daw.." at lihim akong napangiti..

"Sayang.." napatingin naman ako sakanya.. ewan ko pero.. tuwing nalalaman niyang may date kaming dalawa ni Bryan yan lang ang salitang naririnig ko sakanya..

One Shot Stories <3Where stories live. Discover now