20: Secrets

50 2 1
                                    

"Tama na Luca", saway ni Reece sa kaibigan. Napapansin kasi nitong sa alak nagbubunton nang sama nang loob si Luca.

"Bakit ganoon brod, masama ba akong pinsan? Bakit kailangan niyang hanapin ang mga traydor na yun?", sunod-sunod na tanong nito.

Pero kahit si Reece hindi rin alam ang kasagutan sa mga tanong nito.

"Is it really Love behind Henri's motivation to find the lover who betrayed her?" Tanong din ni Reece sa sarili.

"You know what, everything was perfect pero dumating ako sa buhay ni Henri at ako ang nagdala sa babaeng nanakit sa kanya.", nagsalita ulit si Luca na parang sarili ang kinakausap.

"Hindi ka naman sinisisi ni Henri. Alam nating lahat na wala kang kasalanan. You know her better than I do", pagpapaliwanag ni Reece sa kaibigan.

At bago pa nakasagot si Luca, isang malamyos na musika ang pumailanlang. This time a sweet but melancholic melody is being played by The Violinist. It's like a music for new hope, for new beginnings.

Pero habang nabubuhayan nang pag-asa si Henri, siya namang pagguho nila Luca at Reece.

"She's determined. I really can't put a sense on her head. Kung buhay lang sana ang Ku," napatigil bigla si Luica, "ang mga magulang niya", pagpapatuloy nito.

But the trailing in his voice didn't go unnoticed with Reece's sharpness.

"Kung buhay lang sana ang kuya niya, iyon ang sasabihin mo di ba Luca?", tanong ni Reece

Luca tensed.

"How did you know about him? Taboo sa bahay na ito na pag-usapan ang tungkol sa kanya?" Nagtatakang tanong ni Luca.

Hindi na nagtaka si Reece sa reaksyon ni Luca. Wala na yatang siyang puwedeng malaman sa bahay at pamilyang ito na hindi niya ikagugulat.

"She took me there. Sa memorial ni Azul Madrigal. She's been grieving for her brother. Kaya ikaw na lang ang kinakapitan niya ngayon. Ikaw na ang Kuya niya ngayon." Paliwanag ni Reece sa kaibigan.

At sa kauna-unahang pagkakataon ngumiti si Luca at napailing.

"What?", takang tanong ni Reece dito.

Parang baliw kasi itong bigla na lang ngumiti habang kanina lang eh lugmok na lugmok.

"She trust you enough for her to show you Blue's memorial. Off limits ang parteng yun nang burol, mga pamilya lang ang puwede doon right now that would mean I and Henri, and of course Rafa", nakangiti pa rin ito.

"And?" Confused pa rin si Reece.

"It means you're family. Don't worry, I won't tell her your secret", tukso ni Luca.

"Tell her what?", tanong ni Reece.

"That you're in love with her. I've seen the way you look at her. And before you ask anything, it' s alright with me. If Henri would spend the rest of her life with someone, I want it to be with you." Sagot ni Luca with matching thumbs up.

"Well, unfortunately man, your cousin is still in love with her ex-now alive fiance." Reece replied with sarcasm.

"Dense ka din brod, alam mo ba? She took you to where someone not a relative can go. Ni minsan hindi niya dinala si Quinn doon", napapailing na sagot ni Luca.

"She didn't, as in never?" Nakangiting tanong ni Reece.

Tumango-tango si Luca, nasisiyahan din kahit papaano sa nangyayari sa dalawang tao sa buhay niya.

"I love you, pare", Reece told him jokingly with matching hug.

Nang biglang may humagalpak nang tawa sa likuran nila.

It's Henri with her biggest grin ever.

"Sorry for interrupting your date. Ipagpatuloy niyo lang. You look cute together" ani Henri na ngiting ngiti pa rin.

Natawa na lang sina Luca at Reece. Lalo na si Reece, dahil alam niyang bati na ulit ang magpinsan. Kahit nandoon pa rin ang takot niyang di kalaunan mawawala rin sa kanya si Henri.

thanks to:

http://www.youtube.com/watch?v=NguIpRFLM4M&feature=related

blacksheep806·

THE VIOLINIST (filipino-english) On HiatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon