20 Althea

28.3K 747 81
                                    

20

Althea

MAINIT PA RIN ang ulo ni Vernice hanggang makarating kami sa bahay. Hindi naman ako binugbog nito, pero umuusok pa rin ang ilong nito at hindi pa rin ito nakakaget-over sa nangyari kanina. Mukhang hindi uso sa kanya ang salitang move on. "Babe, umakyat ka muna sa itaas," ani Dominic kay Vernice. "Magpahinga ka muna, matulog ka."

Hindi na nagsalita pa si Vernice at sumunod na lang kay Dominic. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung ano ang nangyayari. Kanina lang ay gusto kong magbasa ng porn, tapos bigla kong nakita si Althea. Pagkayari n'on ay nag-usap kami tapos dinalhan niya ako ng pagkain. Bigla namang sumulpot si Vernice at sinabi nitong may lason daw ang pagkain na dinalha ni Althea. Tapos ayon, nagbugbugan na sila. Pati ako balak ding bugbugin ni Vernice.

Iminuwestra ni Dominic ang sofa rito sa may living room. Agad naman akong umupo roon, siya naman ay umupo sa katapat kong sofa. "Rica, can you tell me what the hell happened in the library?"

Humugot ako ng malalim na hininga bago ipaliwanag ang nangyari. "Nagpunta ako sa library para magpalipas ng oras. Habang kumukuha ako ng libro, nakita ko si Althea kaya nakipag-usap muna ako rito. Mayamaya nagpaalam na ito na aalis na siya kaya naman nagbasa na lang ako ng libro. Pero cover pa lang kasi n'ong libro, nosebleed na ako kaya naisip ko na lang na maglibot sana. Nasa entrance na ako nang makasalubong ko n'on si Althea. Nag-usap kami ulit tapos dinalhan niya ako ng pagkain. Bigla namang dumating si Vernice, at sinabi nitong may lason ang pagkaing dala ni Althea. Tapos ayon, bigla na lang silang nagbugbugan."

Humalukipkip si Dominic at tumitig ito sa akin na wari ba'y nag-iisp ng malalim. "The food she brought was really contaminated with poison," he muttered. "May kahina-hinala bang naganap habang kasama mo siya sa library?"

"Wala naman," tugon ko.

"There's something going on but I'm very clueless about it," he hissed. "Don't tell Casper about this. I don't want him to get bothered by this. For the meantime, I'll be the one to take care of this issue."

"Dominic, bakit ba bigla na lang silang nagbugbugan? Alam mo ba? Baka kasi sinabi ni Vernice sa'yo ang dahilan.

Dominic sighed. "Iniisip ni Vernice na si Althea ang may pakana ng lahat ng nangyayari sa iyo. And she's mad because she's the one being blamed for this. Sa totoo lang ay walang pakialam sa iyo si Vernice, kaya inis na inis siya dahil siya ang pinaghihinalaan niyo ni Casper na gumagawa sa iyo nito. Sino ba naman ang hindi magagalit kapag napagbintangan ka sa kasalanang hindi mo nagawa. At ang mas malala pa ay nasaktan siya at muntikan na ring mamatay. She was about to die, and I had no other choice but to transform her into a vampire. That is why she is so pissed."

"But I don't understand, ano naman ang maaaring maging motibo ni Althea---"

"Ano rin naman ang maaaring motibo ni Vernice, right?"

Suddenly, the house was filled witch Vernice's loud screaming. She was screaming, shouting, shrieking, and it sounds like she's crying. Mabilis na tumayo si Dominic para puntahan ito, ako naman ay sumunod. Pagkapasok ay nakita kong yakap-yakap na ni Dominic ang ngumangawang si Vernice. "He pulled my feet!" she cried. "For god's sake! Make it stop!"

"Shhh, it's just a dream," ani Dominic na hinahagod ang likod ni Vernice. "It's just a dream, it's gone now."

"He pulled my feet! Please make it stop," umiiyak na sabi ni Vernice. "I, I don't want this, make it stop," she begged.

Bumaling sa akin si Dominic. "Rica, pakikuha ang gamot niya sa drawer." Nakapako lang ako sa mga paa ko dahil sa pagkagulat sa hitsura ni Vernice. Umiiyak ito at para bang kinawawa ng kung sino. "Rica," muling pagtawag ni Dominic. Gumalaw na ako para kuhanin ang gamot ni Vernice sa drawer na sinasabi nito. "Wait, we need water."

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Where stories live. Discover now