29 Warmth

28.1K 723 54
                                    



29

Warmth

RICA PULLED OUT a deep breath, "Sige, pumapayag ako. Tutulungan kita na mahanap siya. Pero ipangako mo rin sa akin na tutulungan mo ako na makalayo ako kay Casper."

Dahil nagkasundo na silang dalawa, sinimulan na nila ang paghahanap kay Vernice. Bandang alas singko ng hapon nang bumalik na sa sariling anyo niya si Rica. Dahil parehas silang walang ideya kung saan nagtungo si Vernice, napagdesisyunan nilang magtungo muna sa bahay ng pikamalapit na kaibigan nito. Sa bahay ni Brian.

Pagbabasa sa mansion ng mayamang angkan nila Brian ay magalang na sinalubong sila ng mga guwardiya roon. Sabay-sabay na yumuko ang mga ito bilang paggalang sa kanilang dalawa. "Nasaan si Brian?" paghahanap agad ni Dominic. Bakas din sa boses nito ang kaunting galit.

Hindi makasagot ang mga guwardiya kaya dumiretso si Dominic sa loob ng mansion na sinundan naman ni Rica. Nang makapasok ay nakita nilang pababa sa hagdan ang isang dalaga na mukhang nasa katorse anyos pa lamang. Nanlaki pa ang mga mata nito nang makita silang dalawa.

"Maaari ko bang makaharap ang iyong kapatid, Melissa?" Nagpabalik-balik ang tingin ni Rica sa dalawa, mukhang kilala kasi nila ang isa't isa.

Bahagyang yumuko ang bata sa harap nilang dalawa saka ito napakamot sa ulo nang makabawi. "Pasensiya na po, mahal na hari. Pero wala po si kuya ngayon dito. Noong isang araw pa siya hindi umuuwi. May problema ho ba?"

"Nawawala kasi ang asawa ko," ani Dominic sa mahinahong tono. "I came here to ask your brother if he knows anything about my wife's whereabouts. Baka kasi may nabanggit sa kaniya si Vernice, at kung siya man ang nagtatago ng asawa ko... alam mo na ang mangyayari sa kapatid mo."

Bumagsak ang panga ni Melissa dahil sa masamang balita na baka may mangyaring masama sa kaniyang kuya. Pasimpleng siniko naman ni Rica si Dominic dahil sa ginagawa nitong pagbabanta ngunit hindi naman ito kumibo.

"P-Pasensiya na po, mahal na hari. Pero hindi ko po alam kung si kuya ang nagtatago sa mahal na reyna..." Halata ang takot sa boses nito dahil bahagya itong nanginginig. "B-Baka naman po nasa ibang lugar ang mahal na reyna."

Humakbang palapit si Dominic kay Melissa at kada hakbang niya ay siya namang pag-atras nito. "Nasaan ang kapatid mo? Kung tutulong ka at hindi mo pagtatakpan ang kuya mo, I will spare all of you," wika nito sa matigas na tono.

Seryosong-seryoso ang mukha nito na kahit si Rica ay nakakadama na rin ng takot. "P-Pasensiya na ho pero hindi ko talaga alam kung nasaan ang kapatid ko. Hindi po kasi ito nagpaalam sa amin at sinabi lang niyang may ihahatid siya patawid sa kabilang nayon na pagmamay-ari ng kalaban nating angkan."

Napatikhim si Dominic. Napahawak siya sa kaniyang baba habang nag-iisip. Sa Igrea... "May nabanggit pa ba ang kuya mo bukod doon?"

"W-Wala na po, mahal na hari."

NAGTUNGO SINA RICA at Dominic sa daungan papunta sa Igrea. Nasa malayo pa lamang ay naamoy na ni Dominic ang kaniyang asawa, alam niyang nasa malapit lang ito at gusto na niya itong makita. "Nasa malapit lang siya," anas nito. "Rica, gusto kong kausapin mo muna siya bago ko siya lapitan..."

Tumango si Rica saka nila sabay na hinintay si Vernice. "She's here," ani Dominic nang mapansing mas lumalapit na ang amoy ni Vernice. Saglit muna itong nagtago sa loob ng isang tindahan sa harapan ng barkong babiyahe papunta sa Igrea.

Hinahanap ni Rica si Vernice ngunit hindi niya ito makita. Napansin lang niya ito nang makita niya si Brian na nagbibitbit ng mga maleta niya. Halos hindi niya ito nakilala dahil ang magandang pula at kulot nitong buhok ay naging maikling kulay itim na na hindi lalagpas sa kaniyang balikat.

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon