24 Panaginip

24.8K 691 31
                                    

24

Panaginip

HINDI AKO MAPAKALI habang mag-isa akong nakakulong sa kuwarto. Hindi ko alam kung paano ko kakalmahin ang sarili ko. Takot na takot pa rin ako. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Nanginginig din ang mga kamay ko at tila ayaw paawat ng mga luha ko sa pagtulo.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Ang alam ko lang ay takot na takot ako. Pinaghalong kaba at pag-aalala ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung para sa akin o kay Vernice. Para kasing may malaking tiyansa na gawin din iyon ni Casper sa akin.

Matapos ang ilang oras ng pag-iyak, namalayan ko na lang na nanghihina na pala ako kaya humiga na lang ako sa kama at nagpahinga hanggang sa tuluyan nang kainin ng antok ang diwa ko.

Naalimpungatan ako nang mapansin kong tila may nagmamasid sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras akong naidlip. Atwomatiko lang na dumilat ang mga mata ko nang maramdaman kong hindi ako nag-iisa. Agad akong napabalikwas ng bangon.

May itim na pigurang nakasandal ang likod sa gilid. Hindi ko gaanong maaninag ang mukha nito pero pansin kong nakapamaywang pa ito habang nakatitig sa akin.

"C-Casper?"

Ibinaba ng lalaki ang mga kamay niya sa kaniyang gilid, saka ito marahang naglakad papalapit sa akin. Nang masinagan ito ng ilaw na nagmumula sa liwanag ng buwan, nasilayan ko na nang maiigi ang mukha ni Casper. His blue eyes met mine.

I felt the bed sank when he sat beside me. Casper's hand moved to my face to remove the few strands of hair covering my eyes. "Are you okay?" he asked. His voice was too soft and caring, it was almost inaudible.

I was about to nod my head when soft sobs escaped from my mouth. Naalala ko na naman ang scenario kanina. It was too unbearable for me, traumatic actually. Wala sa sariling naitakip ko ang isa kong kamay sa aking bibig. Samantalang ang isang kamay ko naman ay ipinupunas ko sa luha ko.

Ikinulong ako ni Casper sa mga bisig niya saka niya ako niyakap ng mahigpit. Hinagod nito ang likod ko, sinusubukan akong pakalmahin. Mariin nitong hinalikan ang noo ko habang pinapatahan ako. Ako naman ay patuloy lang sa pag-iyak sa dibdib nito.

"Mahal ko huwag ka nang umiyak," anito habang masuyong hinahagod ang likod ko.

Bahagyang inilayo ko ang mukha ko rito pero hindi ako nito pinaalis sa kaniyang mga bisig.

"S-Si Vernice, kamusta na siya?" tanong ko sa gitna ng paghikbi.

Hinila ako ni Casper palapit sa kaniya saka niya ihinilig ang ulo ko sa kaniyang balikat. "She's fine," he said curtly.

Tinitigan ko ang asul na mga mata nito. Duda ako sa mga sinabi niya. His blue dreamy eyes were full of concern, also pained while gazing in mine. Dahil doon ay napatango na lang ako sa kaniya kahit hindi ako naniniwala sa sinabi niya.

"You don't trust me do you?"

Nag-iwas ako ng tingin dito.

He cupped my face and locked my eyes in his sincere gaze. "Vernice is fine. At kung natatakot ka na baka gawin ko rin sa iyo ang ginawa ng kapatid ko sa kaniya kanina, 'wag kang mangamba. I will never hurt you. I promise you that. Kapag sinaktan kita, para ko na ring sinaktan ang sarili ko n'on. Do you understand that?"

Puno ng sinseridad ang boses nito kaya nakumbinsi na ako sa kaniyang mga salita. He always cared for me, he always loved me. He will never hurt me.

Bakit ba ako natatakot?

Bahagyang humiwalay sa akin si Casper. He stared at my lips for a moment. Parang alam ko na kung ano ang nasa isip nito. Hindi naman ako nito binigo nang unti-unting bumaba ang labi nito sa akin para siilin ako ng halik. His lips moved gently againts mine, giving me that tranquil feeling.

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Where stories live. Discover now