23 Missing Bride

25.3K 688 45
                                    

23 

Missing Bride 

NATAGPUAN KO SI Dominic na nakikipag-usap sa mga bisitang papauwi na. Papasikat na kasi ang araw kaya nagsisialisan na ang mga nagsidalo sa engagement party nila ni Vernice. Nang nakaalis na ang lahat ng bisita ay naisapan kong lapitan na ito para kausapin.

"Dominic, nasaan si Vernice?"

"She went upstairs, she told me she's tired," he answered smiling brightly.

Nagtaka ako sa ekspresyon ng mukha nito. Bakit parang masaya pa rin siya? Masaya dahil ikakasal siya kay Vernice, o baka naman dahil nambababae siya kanina? "Okay lang ba kayo?"

"Yeah, we're fine. Even better!" Abot tainga ang pagngiti nito, tila ba ang saya pa rin niya. Napakunot ang noo ko rito. That's impossible. Ang bilis naman siyang napatawad ni Vernice kung gan'on. "Bakit, may problema ba?"

Napahugot ako ng malalim. I gathered all my courage before I opened my mouth. "Ano'ng sabi niya tungkol sa pakikipaghalikan mo sa ibang babae kanina? Nakita ka namin kanina. Alam mo bang nasaktan si Vernice sa ginawa mong pagtataksil sa kaniya sa mismong engagement party niyo pa? Sana namili ka naman ng oras at lugar dahil masakit para kay Vernice ang ginawa mong 'yon."

"What the hell Rica!" asik nito. "Ano ba ang mga pinagsasasabi mo? Are you nuts? Hindi kita maintindihan. Hindi ko siya pinagtaksilan ngayon at wala akong hinalikan na babae ngayon kundi siya lang. You're drunk."

"No. I am not!"

"May problema ba?" dinig kong tanong ni Casper mula sa likuran ko.

Matalim na tinitigan ako ni Dominic. Mukhang nagalit ito sa mga sinabi ko. Alam ko ang kaya nitong gawin kaya mabilis akong nagtago sa likod ni Casper, takot ako kay Dominic.

"Maybe you should take her to bed. Mukhang pagod na siya at kailangan na niyang magpahinga dahil kung anu-ano na ang mga sinasabi niya. She's accusing me of something I'd never do!" anito bago tumalikod at maglakad palayo.

Marahan akong hinila ni Casper paalis sa likuran niya. "What happened?"

"Wala."

Casper frowned. "You are not telling me something," he muttered.

"Wala nga kasi," pilit ko.

"Why are you keeping secrets from your husband huh? You don't trust me?" Hinalikan ako nito sa noo matapos magsalita, saka niya ako ikinulong sa mga braso niya sa akin. "Ano ang sinabi mo sa kambal ko?"

"Ganito kasi," pagsisimula ko. "Nakita namin siya ni Vernice kanina na may iba siyang kahalikan na babae. Kaya ayon, nagalit si Vernice. Tapos nang tanungin ko si Dominic tungkol sa ginawa niya, nagalit pa ito sa akin."

"What? That's impossible. Hindi na nambababae si Dominic. One woman man na siya ngayon. Just like me." Kinindatan pa ako nito saka ako ngitian. My knees almost turned jelly because of his radiant smile.

"Pero 'yon ang nakita namin ni Vernice."

"Maybe my twin is just having wedding jitters."

"Wedding jitters agad? Hayaan na nga natin siya. Pero teka, nakita mo ba si Vernice?"

"Nope. Hindi ko na siya nakita mula kanina---"

"Casper! Rica!" dinig kong sigaw ni Dominic. Humahangos na lumapit ito sa amin. "Nakita niyo ba si Vernice? She's not in bed. Ipinahanap ko na rin ito kay Leight at Mikeinel, pero wala. Wala ito sa buong area, kahit sa labas!"

"Ipinagtataka nga rin namin ni Rica kung saan ito nagpunta," ani Casper.

Napahawak si Dominic sa ulo niya saka ito marahang napamura.

Married to a Stranger [R-18] [Completed] [Published]Where stories live. Discover now