Chapter 1

750K 17.3K 8.9K
                                    

Chapter 1

SA bukana palang ng kuwadra ay naamoy ko na ang pinaghalong gamot at dumi ng hayop. Hindi naman ganoon kasangsang kumpara sa amoy ng mga kanal sa Cypress na inalisan namin ni ate bago niya mapangasawa si kuya Hendrick.

"Kuya Santi." Tawag ko sa lalaking nakatungo sa isang nakaupong kabayong kulay itim. Hinihimas-himas niya ito.

Kuya Santi. Mula ngayon, siya na ang bago kong kuya.

Ngumiti siya nang makita ako. "Paano ka nakapunta dito? Sinong kasama mo?"

"Si ate, nandon po sila sa labas ng kuwadra." Naglakad ako palapit sa kuwadrang kinaroroonan niya. Nakakatuwa siyang tingnan habang hinihimas ang itim na kabayo na tila ba kay amo-amo sa kanya.

"Ah ganoon ba?" Sabi niya saka muling bumaling don sa itim na kabayo.

"Siya ba ang kabayo mo?"

"Yeah." Proud niyang sagot, nakaka-inggit naman iyong kabayo dahil mukhang mahal na mahal siya ni kuya Santi. Tinapik niya ito. "His name is Thunder."

"Wow!" Nagulat ako nang tumayo iyong kabayo. Ang laki pala nito!

"Ito ang pinakamabilis manakbong kabayo dito sa Hacienda. Kaya nga Thunder ang ipinangalan ko sa kanya, although masyado ng gasgas ang pangalang 'Thunder' sa mga kabayo."

"Pwede ko ba siyang hawakan, kuya?" Bigla akong na-excite na maramdaman saking mga palad ang makintab na balat nito. Nakapagtatakang hindi ako natatakot gayong malaking kabayo talaga si Thunder! O siguro tiwala lang talaga ako kay kuya Santi, magaan kasi ang loob ko sa kanya.

"Sure." Inalalayan niya ako papasok sa loob ng kulungan.

Pumipikit-pikit pa si Thunder habang hinahaplos ko ang katawan nito."Ang kinis niya." Tuwang saad ko.

"Just like you."

"Po?" Napatingin ako kay kuya Santi na nakatingin pala sakin.

"Sabi ko makinis ka." Ngumiti siya. "Kapag lumaki ka siguradong maraming boys ang manliligaw sa'yo."

Nahihiyang nag-iwas ako ng tingin. Nahihiya kasi ako. Hay, mali si ate Camilla. Mukhang mas crush ko si kuya Santi kesa kay kuya Hunter. Pero paghanga lang naman iyon. Saka masarap sa pakiramdam na magiliw siya sakin kahit hindi pa kami close. Mukhang hindi naman mahirap makapalagayan ng loob si kuya Santi dahil mabait siya.

"Gusto mo bang mangabayo, Kara?" Tanong niya.

"Baka po hindi ako payagan ni Ate?" nagwoworry nasagot ko.

"Akong bahala sa'yo. Babagalan lang naman natin eh." Hinawakan niya sa renda si Thunder at saka iginaya palabas ng kulungan nito. "Hooo!"

"Wow! Mukhang excited din si Thunder na gumala!" Sabi ko. Tuwang-tuwa ako nang isakay ako ron ni kuya Santi at igaya kami palabas ng pinaka-kuwadra.

"Nakakalula." Ang taas ni Thunder saka medyo magalaw siya na pakiramdam ko'y ihuhulog niya ako kapag naglikot ako.

"Humawak ka lang nang mariin sa tali."

Nang makalabas na kami ay sinenyasan niya sa di kalayuan sina Ate Camilla at Kuya Hendrick na maykausap na trabahador. Mukha namang pumapayag silang isama ako ni Kuya Santikaya ang saya-saya ko talaga. Sumakay rin si Kuya Santi sa kabayo, doon sa bandanglikuran ko. Ang isang kamay niya ay nasa renda at ang isa ay nakaalalay sa bewangko.

"Whoo! Hooo!" Marahan lang ang pagtakbo ni Thunder dahil kontrolado siya ni kuya Santi.

Nakaabot kami sapinakagitna ng lupain kung saan kitang-kita mo ang ibang kabayo, baka at ibapang hayop na nasa bukas na mga kulungan. Sa kanugnog ay may mangilan-ngilangtaniman ng prutas at gulay na lalong nagpapatingkad sa kapaligiran ng lupain.Magkadikit ang rancho sa hacienda pero higit na mas malawak ang rancho dahildoon pinapakawalan ang mga alagang hayop.

Someone ForbiddenWhere stories live. Discover now