Final Chapter

684K 14.5K 4.7K
                                    

Chapter 34


SHE was lying on the bed wearing nothing under the sheets. Kumilos siya paharap sa akin at nasinagan ng liwanag mula sa papalitaw na haring araw ang maganda niyang mukha. Ilang umaga na rin akong nagugulat at halos di makapaniwala na namumulatan ko ang kagandahang ito. Parang panaginip pa rin na nakakasama ko siya nang ganito kakalmado ang paligid.


Lumakad ako papalapit sa kanya at naupo sa gilid ng kama. "I did my best to achieve what I have today. Nothing had been handed to me." Kuwento ko sa kanya. Ngayon na lang ulit ako nagkalakas ng loob na ungkatin iyon.


Nakatingin lang siya sa akin and there was uncertainty on her face. Nitong mga nagdaang araw ay palagi kaming magkasama ni Kara. Dito sa condo unit ni Cloud kung saan dati kaming nagkasama. Kumikilos kami ng normal na para bang matagal ng magkasintahan. Parang mag-asawa sa loob ng ilang araw at ilang gabi sa unit na ito. Walang nagtatangkang magsalita tungkol sa nakaraan at ninanamnam lang namin bawat sandali.


Pero hindi puwedeng ganoon. Tama na ang pagtakas sa reyalidad.


"I focused on our business kagaya ng utos ng mga elders. Sinigurado kong ginagawa ko ang best ko para wala silang masabi sa akin. Galit ako sa lahat noon. At noon sinisisi ko ang lahat kung bakit kailangan iwan pa kita."


Hinaplos ko ang makintab niyang buhok na nakakalat sa puting unan. "Halos mamatay ako sa kakaisip kung kumusta ka na, ni di ko magawang kumain at matulog nang maayos pagkatapos ng trabaho sa opisina. But I had to live normally para makalimot sa sakit. Itinuloy ko ang buhay ko at nangako sa sarili kong magiging successful ako sa pamamagitan ng sarili kong kakayahan at hindi inaasa sa mamanahin ko. Nagsikap ako because I wanted to be worthy enough for you in the future."


Natigilan ako nang kunin niya ang kamay ko. Nakatingin siya at nakikinig lang sa akin.


"Nagdusa ako sa maraming taon. Nang dumating na ang pinsan ko sa US para halilihan ako sa pagpapatakbo ng negosyo ay di na ako nagdalawang isip na umalis. Pumunta ako sa Italy at doon nagtrabaho."


"Nagtrabaho?" Kumunot ang makinis na noo ni Kara.


"Yeah. Magaling ako magluto, naging waiter ako at naging katulong ng chef sa kusina. Natulungan ako ng isa sa mga kaibigan ko na makapasok at makapagsimula ron. Sabi ko nga, gusto ko na umasenso na hindi mula sa mamanahin ko. Itinuturing kong sumpa ang mana ko, kasi alam kong ang iniisip mong dahilan ng paglayo ko sa'yo ay ang tungkol sa mana ko."


"Hindi ko alam..." napaling siya.


Malungkot ko siyang nginitian. "Dahil ayaw kong malaman mo. Kasama ng pag-alis ko ang pagtatago sa'yo ng lahat ng tungkol sa nangyayari sakin. Nagbago ang pananaw ko nang ma-realized ko ang ilang bagay habang nasa Italya ako. Naisip ko na kaya ako umalis ay dahil hindi pa pala talaga ako handa. Na nadala lang ako ng bugso ng damdamin. At ikaw, napakabata mo pa noon. Sa isip ko, nadala ka rin ng damdamin mo. Nang pagiging bata kaya nauto kitang sumama sa akin. At alam kong natatakot ka at ako ang nasasandalan mo noon. Napakabata mo pa pero sinira ko ang buhay mo dahil sa pagiging impulsive ko."


"Paano mo nasasabi iyan? Hindi mo alam ang nararamdaman ko noon." Mapait niyang turan.


Someone ForbiddenWhere stories live. Discover now