Chapter 27

547K 14.6K 3.5K
                                    

Chapter 27

HINDI ko na matagalan ang pagpapanggap na natutulog pa rin dahil sa mga ginagawa niya. Nasa ilalim na ng bewang ko ang kumot at halos hubad na braso na lamang ni Santi ang nakalukob sa akin. He was kissing my cheek habang may mga ibinubulong siyang hindi ko maintindihan dahil sa parang inilulutang kong pakiramdam ngayon.

Mukhang hindi siya nakatulog matapos ang ilang ulit naming pagniniig. Ni kumurap kanina ay di niya ginawa, nakatitig lang siya sa akin habang hinahalikan niya ang mga kamay ko.

Idinilat ko ang mga mata ko at tiningnan siya. Nakatanghod siya sa akin at hindi ko alam kung gaano niya na ako katagal na tinitingnan mula ng igupo ako ng pagod at antok. Tumaas ang mga palad niya mula sa aking bewang.

"Bakit gising ka?" The words came out in a moan as Santi caressed my breast and pinched my nipps between his fingers.

Ngumisi siya at umiling.

"Santi..." hinawakan ko ang mga kamay niya na at inalis iyon sa aking katawan, hindi naman siya umangal pero isinubsob niya ang kanyang mukha sa leeg ko.

"You're so hot... you're driving me crazy. I can't believe that you're with me now. That I can feel you like th7s."

Itinulak ko siya kaya napalayo ako sa kanya. "Sabi ko bakit gising ka pa? Hindi ka ba napagod?" Hinila ko ang kumot at itinakip iyon sa dibdib ko bago ako naupo sa kama.

"Ayoko kasing magising at malamang panaginip lang ang lahat."

"Santi..."

"Yes, baby?" Hinaplos niya ang pisngi ko, para akong nakuryente sa gesture na iyon. 

Kakatwang sa ganoon pa ako nakaramdam nang ganito samantalang higit pa sa paghaplos ng pisngi ko ang ginawa niya sa akin kanina. Walang parte ng katawan ko ang hindi nasayaran ng mga labi niya at nahaplos ng mainit niyang mga palad.

"I want to take a shower." Sabi ko. Maigi na para mahimasmasan ako. Matapos ang nangyari saka bumalik sa akin ang lahat. Nakagawa ako ng kasalanan kay Tyron.

"Do you want me to join you?" Malambing niyang tanong habang hinahalikan niya ang balikat ko.

"No..."

"Mamaya ka na magshower, magpahinga ka muna. Mabango ka pa naman, amoy baby." Tumingala siya sa akin at nginitian ako. Maya-maya ay umalis na siya sa kama.

Ibinaling ko ang paningin ko sa sahig ng kuwarto nang nakatayo na siya sa harapan ko. Nang matiyak kong nakasuot na siya ng boxers ay saka ko lang siya tiningnan ulit. Ngising-ngisi siya sa akin habang hinahawi niya ang mga hibla ng buhok niyang nalaglag sa ibabaw ng kanyang noo at tainga.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko nang nags-suot na rin siya ng T-shirt.

Kumindat lang siya bago lumabas ng pintuan. "'Wag ka ng tumayo, I'll be back."

Hindi rin ako nakatiis nang ilang minuto na ang lumilipas pero hindi pa rin siya bumabalik. Nananakit ang buong katawan ko pero pinilit kong tumayo at magtungo sa banyo. Nag-shower pa rin ako at naghanap ng maisusuot sa closet. Maraming mga damit doon na hindi ko alam kung sino ang may ari. Puro bagong laba pero alam kong mga bagong bili ang karamihan. Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip na baka hindi lang ako ang babaeng dinala dito ni Santi.

Eh, ano ngayon kung hindi lang ako? The hell I care!

"What do you want to eat?" Nakangiting salubong niya nang magpunta ako sa kusina dahil hindi ko siya makita sa sala. Naka-lock ang mga pinto kaya wala talaga akong choice kundi hanapin siya.

Nakatayo si Santi sa harapan ng tiled table. Naka-apron siya at may hawak na kawali. What a view.

"Uuwi na ako." Pormal kong sabi. Wala na akong nakikitang dahilan pa para manatili ako rito, siguro naman ay okay na akong umuwi tutal nakuha niya na ang gusto niya sakin. Hindi lang iisang beses iyon, kung iyon man ang habol niya.

Someone ForbiddenWhere stories live. Discover now