Chapter 3

583K 17.3K 7K
                                    

Chapter 3

NANLALAMIG ang mga kamay ko habang pinipihit ang seradura sa pinto ng kuwarto ni kuya Santi. Tulog pa siguro siya? Kanina pa ako kumakatok pero walang nagbubukas sakin.

Nagtatakang inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Walang tao. Maski sa kama at sa couch, wala rin si kuya Santi.

Nasaan siya? Naglakad-lakad pa ako sa kabuuhan ng kuwarto niya. Malaki at medyo madilim ang kulay. Lalaking-lalaki. Walang masayadong disenyo at iisa lang ang kulay ng dingding pati ng mga cover ng mata at mga unan.

Pero nasaan ba si kuya Santi?

Nagpaalam ako kina ate na pupuntahan ko si kuya Santi ngayon. Magkatapat lang kasi ang mansion na bahay ni kuya Hendrick at mansion nina kuya Santi kaya isang tawid lang ang ginawa ko sa villa.

Nakakainip kasi, puro na lang panonood ng mga cartoons at pagbabasa ng libro ang pinagkakaabalahan ko mula pa kahapon. Gusto ko ulit sanang mangabayo.

Okay lang naman sakin ang mga nakita ko sa kuwadra, nabigla lang talaga ako dahil hindi naman ako sanay makakita nang ganoon. Pero sabi sa librong nabasa ko, normal lang daw na nagaganon ang 'magboyfriend'. Masyado ng mapusok ang mga kabataan ngayon, mapisikal na ang pagpaparamdam nila ng pagmamahal para sa kapareha nila.

Siguro ay mahal na mahal lang ni kuya Santi ang girlfriend niya kaya niya ginawa iyon.

Ipinilig ko ang ulo ko ng maalala ko iyong nakita ko. Nakita ko si kuya Santi na halos wala ng damit! Nakita ko rin ang 'ano' niya. Hay, Kara! Alisin mo sa isip mo iyan! Ang girlfriend niya lang ang may karapatang makita iyon!

Pero bakit nakakaramdam ako ng lungkot sa isiping may girlfriend na si kuya Santi?

"WHAT the?!"

Biglang bumukas ang isang pintuan na nasa gawing gilid ng malaking kama.

"Kuya!" Napanganga ako nang mapatingin ako sa kanya!

Maging si kuya Santi ay nakanganga sakin. Katulad ng nakita ko sa kuwadra... wala na naman siyang damit!

Iyong ano niya! Nakita ko na naman! At iba pala ang itsura niyon kapag maliwanag! Ang laki at ang haba at ... nakakatakot!

Napakurap-kurap ako. Talaga bang nakikita ko ang bagay na iyon ngayon?

"Anong ginagawa mo rito?" Mabilis siyang nanakbo sa kama at kinuha ang naka-bulumbong kumot sa ibabaw niyon at agad na itinakip sa sarili. Tumutulo pa ang basa sa katawan niya tanda na kaya hindi niya ako narinig sa pagkatok ko kanina ay dahil naliligo siya!

"S-sorry po!" Nauutal na sabi ko.

"Shit."

"Bukas po iyong pinto..." Bakit hindi ko maialis ang mga mata ko sa katawan niya? Sa malapad niyang dibdib pababa sa...

bakit may buhok sa taas sa gawing baba ng pusod ni kuya Santi?

Balbon ba siya?

Si kuya Santi na mismo ang tumalikod sakin. Binalot niya ng kumot ang buong katawan niya nang makita ang nanlalaking mga mata ko na naglalakbay sa kanyang kabuuhan.

Tumalikod na rin ako at nagkunwaring tumitingin-tingin sa paligid. "Ang laki ng kuwarto mo, kuya..."

"Ah, yeah. Malaki kasi ako." Sabi niya habang nagkakalkal sa closet.

Ano kaya ang ibig sabihin niyang 'malaki' siya? Iyong ano ba...

"Sino po siya?" Dinampot ko ang isang picture frame na nasa ibabaw ng desk niya. May kaakbay na lalaki si kuya Santi doon, pero hindi ko kilala. Hindi ko pa nakikita rito sa Hacienda.

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon