Chapter 33

532K 14.1K 1.7K
                                    

Chapter 33

PINUNASAN ko ang mga luhako nang makitang paparating si Ate Camilla. Ang ate ko... ang ate kong walangkamalay-malay sa lahat ng mga pinagaga-gawa kong mali sa buhay ko...

"Ate..."

"Anong nangyari sa'yo?" Kunot ang noong tanong niya bagamat nakabadha sa mukha niya ang pag-aalala.

"I'm sorry..." Sinalubong ko siya ng yakap.

"Kara..." Hagod niya sa likuran ko.

"I love you, ate..."

Humiwalay siya sa akin at napatingin sa dala kong maleta.

"Are you going to stay here?" Umaliwalas ang mukhang tanong niya. "Kaya ka ba may dalang maleta? Balak mong magtagal dito?"

Umiling ako. "Magba-bakasyon po ako pero hindi rito sa hacienda, 'te."

"Ha?"

"Just for a week."

"Saan ka pupunta?"

"Babalik din po agad ako, ate." Pinisil ko ang kamay niya. "Pagbalik ko, magba-bonding tayo ng mga pamangkin ko, ha?" Nakangiting turan ko na pilit pinasigla ang tinig.

"Aya Karissa..."

"Thank you for everything, ate Camilla."

Ate Camilla smiled at me. "Ate mo ako... kahit na hindi na kita gaanong maasikaso, hindi naman ibig sabihin non ay wala na akong pakialam. Mahal kita, Kara. Ikaw na lang ang naiwan sakin ng mawala sina mama. I'm sorry..."

"Ate, you did your part as my sister. Kung wala ka, baka wala na rin ako ngayon. You sacrificed a lot for me... tama na iyon. At naiintindihan ko na may pamilya ka na, sila ang dapat mong pagtuunan ng pansin. Sa lahat ng magaganap sa buhay natin, ate, magkapatid tayong dalawa, magtutulungan tayo. I am always here for you, te."

Niyakap ko pa siya muli bago ako nagpahatid sa driver sa terminal. Mabuti at naabutan ko ang pinakamaagang bus pabalik ng Maynila.

Pagkarating sa Manila at kahit tagtag sa byahe ay hindi ako napigilan ng pagod, nagtaxi na agad ako patungo sa isang taong alam kong makakatulong sa akin para mahanap siya...

"What the hell are you doing here?" Tanong ng lalaking nagbukas sa akin ng pintuan. Naka-boxers pa ito at gulo-gulo ang buhok habang salubong na salubong ang mga kilay.

"Where is he?" Agad na tanong ko. "Oh, by the way, nice new color of hair!" Bati ko sa bago na namang kulay ng buhoy nito.

Napaungol ito sa depresyon. "God! Lady! I'm in the middle of my evening diet! Nakakaistorbo ka!"

"Baby, sino iyan?" Mula sa likuran nito ay sumulpot ang isang maganda at matangkad na babae na nakatapis lang ng tuwalya.

Napangiwi ako at saka tumingin muli sa lalaki. "Where is he? Para makaalis na ako!"

"5461." Aniya.

"What?"

"Iyong code ng unit ko."

"Saan iyon?"

Lalong napasimangot ang lalaki. "Doon sa pinatirahan ko sa inyo noon. Go now!"

Doon na ako napangiti nang malawak. Kulang na lang ay mayakap ko siya kundi di lang siya almost naked, eh. "Thank you, kuya Cloud! You're always my angel!"

He just rolled his eyeballs. "Go!"

Halos magkanda-dulas-dulas na ako patungo sa elevator.

Pupuntahan ko si Santi, we're going to talk at kung mahal niya pa ako walang rason para hindi ko siya patawarin. Walang rason para mahirapan pa kami. Tama na, tama na, we're not doomed to suffer for the rest of our lives!

Someone ForbiddenWhere stories live. Discover now