Chapter 14

665K 16.6K 7.3K
                                    

Chapter 14

"WHY?" Napahinto rin siya nang huminto ako sa paglalakad.

"Hindi ba ako magpapaalam kay ate?" Alanganing tanong ko. Mahigit limang oras na kami ni kuya Santi dito sa hardin bago siya mag-desisyon. He'll take me with him to Manila.

Kumunot ang noo niya batay sa nakikita ko sa tulong ng liwanag ng posteng nasa patio.

I bit my lower lip. "B-baka kasi mag-alala si ate..."

Humigpit ang pagkakahawak niya sa pulso ko. "May nagtatanan bang nagpapaalam?"

"Tanan?" Umawang ang mga labi ko.

"Ano ba sa tingin mo, Kara? You agreed to run away with me, right?"

"Oo... pero..." bigla akong nalito. Sinabi ko naman talagang sasama ako sa kanya, as in kahit saan sasama ako. Kaya lang paano si ate Camilla? Ito na nga lang ang nag-iisang kamag-anak ko sa mundo iiwan ko pa ba? Saka buntis si ate, baka makasama kung pag-aalalahanin ko pa-

"Let's go." Naputol ang pag-iisip ko nang halos kaladkarin na ako ni kuya Santi.

"Kuya!" Mabilis ang mga hakbang ko sa pagsunod sa kanya. Kung hindi ko bibilisan ay baka masubsob ako dahil higit na mas mahahaba ang mga biyas niya kesa sakin.

Tinalunton namin ang gilid ng Villa patungo sa garahian ng mga sasakyan.

I stopped in front of his grandparents mansion. Sa taas kasi ng mansion ay may malaking relo na kulay pilak bilang desenyo sa gawing main door.

Ayon sa oras na iyon ay mag-a-alas onse na ng gabi. Panibagong araw na naman kinabukasan at baka hindi ko na lang mamalayan, araw na pala ng pagpunta ni Kuya Santi sa ibang bansa. Iniisip ko pa lang ay naninikip na agad ang dibdib ko. Talagang mahihiwalay na ako sa kanya kung hindi ako sasama ngayon sa pagtakas.

Inis siyang lumingon sa akin nang mabunggo ako sa likuran niya. "Kara, we're in hurry. Baka ngayon alam na nilang wala ka pa, maghahanap na sila!"

"S-sorry..." 

Itinaas niya ang baba kogamit ang dalawa niyang daliri. "Hindi ako galit, okay? Natatakot lang ako namay makakita sa atin. Sa mga mata ng mga tao rito, hindi tayo pwede. They loveyou so much, and knowing my reputation, hindi sila papayag na bumagsak ka lang saakin. Besides, I am almost ten-year older than you."

"I am turning seventeen on-"

"To hell with that. Masi-silya- elektrika pa rin ako." Muli niya akong hinila.

"Saan tayo pupunta sa Maynila, kuya?" Malamang kasi sa condo niya rin kami unang hahanapin nina ate Camilla. 

Marami rin ang nakakita sa amin kanina ni kuya Santi na magkasama. Isa pa, may ilang CCTV dito sa loob ng villa. Malamang malalaman nila ang lahat kapag ipina-review nila iyon kapag hindi ako nakabalik kay ate.

"Just come with me. Just trust me." He said annoyed.

Paliko na kami nang may malaking bulto ng lalaki ang lumabas mula sa dilim. Una kong naaninagan ang pulang sindi sa subo-subo nitong sigarilyo kasunod ang matangos nitong ilong na hindi nalalayo sa itsura ng kay kuya Santi.

"Saan kayo pupunta?" Flat ang tono ngunit naroon ang pagdududa.

"Kuya!" Napahakbang paatras si kuya Santi subalit mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.

Nagsalita muli ito. "Dis-oras na ng gabi. And you, Kara, kanina ka pa hinahanap ni Camilla." Napatungo ako nang lumampas patungo sa akin ang nakakalusaw na titig ni kuya Hunter.

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon