Chapter 25

569K 14.5K 2.7K
                                    

Chapter 25 

I DIDN'T KNOW how long I've been looking at her. Parang ngayon ko lang siya nakita matapos ang ilang taon. Hindi ko rin maunawaan ang sarili ko. I am not supposed to take her here.

"Fuck Cloud'ssuggestion." I cursed Cloud Deogracia. Siya ang nagsulsol sa akin na gawin itonang makita niya ako kagabi sa likuran ng stage na nagpapakalunod sa alak. Hesaw me while I'm looking at Kara and her boyfriend. Nahulaan niya na kaagad angpinuputok ng butse ko kaya dinemonyo niya kaagad ako.

Muli kong ibinalik ang paningin ko sa natutulog na si Kara. Nakahiga siya sa gilid ng malaking kama at nakasabog ang di kahabaan niyang buhok sa malambot na unan.

Walang kumot ngunit hindi ko naman hinubad ang suot niya mula kagabi though pinunasan ko angkanyang katawan ng tuwalyang piniga ko sa maligamgam na tubig. Hindi komaiwasang hindi tingnan ang katawan niya sa suot niyang hapit na di kahabaanggown. Hakab sa makurbang mga parte niya ang gown na iyon. The sight of her widehips and creamy white round breasts are making me hard down there.

Bakit siya hinahayaan ng lalaking iyon na magsuot ng ganitong klaseng damit sa harapan ng maraming tao? That fucker. Noong nasa poder ko si Kara ay nakakapagsuot lang siya ng mga damit na halos luwa na ang kaluluwa kapag kami lamang dalawa.

Hindi pa rin nawawala ang epekto niya sa akin. Hindi nagbago. Kung may pagbabago man, iyon ay ang tila mas lalo pang paglala nito.

Damn. Nasayang lahat ng pinaghirapan ko dahil dito. Pinilit kong alisin siya sa isipan ko pero paano ko pa magagawa iyon ngayon? Paano kung kasama ko siya nang ganito kalapit ngayon?

Siya pa rin ang Kara na iniwanan ko noon. May ilan mang pagbabago ay hindi maitatago na siya pa rin ang ang Kara na iyon. Kung gising siya ay hindi ko maunawaan ang tumatakbo sa kanyang isipan, palagi siyang pailalim tumingin, parang may inaalisa sa isip at pina-planong gawin. Kakaiba rin ang timbre ng boses niya, naging sopistikada. Ang pagkilos niya na noon ay may halong kagaslawan ay ngayo'y napalitan na ng pagkapino at kahinhinan.

May mga nabago sa kanya, oo. Mas lalo siyang gumanda ngayon. Mas tumapang ang aura. Pero ngayong natutulog siya sa aking kama ay parang nagbalik sa akin ang dating Kara.

Ang Kara na lahat ng sasabihin ko ay nakahanda niyang paniwalaan. Na lahat ng gawin ko, palpak man o tagumpay ay kanyang pupurihin at papalakpakan. Na kahit magsinungaling ako sa kanya ay hinding-hindi siya magkakaroon ng doubt sa akin.

I missed her. I smiled at the thought of having her with me again. God, I missed her. Hindi pala sapat ang mga pictures lang. Itinapon ko siyang parang basahan noon, pero ngayon ay daig ko pa ang asong ilang buwang hindi pinakain at nasasabik sa buto.

Napalis ang matipid na ngiti sa mga labi ko habang nakamasid sa kanya.

Lumapit ako sa kanya nang pupungas-pungas siyang bumangon at nagpilit na makababa ng kama. Nasa mga mata niya ang pagkalito habang nakatitig sa akin.

Ang pagkalito sa maamo niyang mukha ay unti-unting napalitan ng pagpa-panic. Nanlaki ang mga mata niya at pihadong natatandaan niya na ang mga huling nangyari kagabi bago siya mawalan ng malay-tao. "Bakit ako narito?! Nasaan ako?!"

"You're with me."

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, Montemayor!" Tinabig niya ang mga kamay ko na aalalay sana sa kanya.

"Hindi rin ako nakikipagbiruan sa'yo." Inihiga ko ulit siya nang mapasapo siya sa kanyang noo. "Mahiga ka muna." Utos ko. 

Nahihilo pa siya dahil sa gamot na ginamit ko sa kanya kagabi. Hindi ko naman kasi alam na napakatapang pala niyon, that drug is from Cloud. Ni hindi ko alam kung bakit may ganoong klaseng gamot ang kaibigan ko.

Someone ForbiddenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon