Chapter 13

636K 16.7K 1.7K
                                    

Chapter 13

HOW CAN I FACE HIM NOW? Kung bakit kasi kung anu-ano iyong mga nasabi ko sa kanya kagabi. Damn me and my stupid mouth! Niyaya ko siyang maging boyfriend ko kahit wala naman akong binatbat sa mga naging girlfriends niya! Ni hindi na ako nahiya sa balat ko!

Isinubsob ko ulit ang mukha ko sa unan, nasusuka na naman ako at nahihilo, pero hindi iyon ang problema ko kundi kung paano ko haharapin ang mga kalokohan ko.

Ang lakas ng loob kong mag-inom eh hindi naman ako sanay!

Hindi ko naman puwedeng isisi sa alak na pinainom sakin nina Jen kung bakit ko iyon nagawa. Isa pa, ginusto ko rin namang uminom eh, walang namilit sa akin. It's my free will, ako pa nga yata ang nagyaya. Pakiramdam ko kasi ay problemadong-problemado ako, eh. Pakiramdam ko talunan ako at sugatan ang puso ko kaya hayun, napainom nga ako.

Saktong kuwentuhan lang kami non nina Jen at Tyron kasama ng iba pa naming kaklase nong higshschool. That is the first time na nakasama ko ang mga kaklase ko na hindi ko naman talaga gaanong ka-close noon.

Gustuhin ko mang makipag-kaibigan sa kanila gaya ng plano ko, pero hindi umuubra dahil sa kaibahan ko sa kanila. Naging iwas ako sa kanila noon at ganoon rin sila sakin. Naging malayo ako sa ibang tao dahil sa maraming issue sa buhay ko.

Marami akong na-realized mula ng araw na ma-realized kong gusto ko pala si kuya Santi. Naisip ko na hindi habang buhay ay nariyan siya sa tabi ko, katulad ngayon na paalis na siya ng bansa.

Saka kung noon ngang nasa Maynila lang siya ay halos di ko na rin siya makita, ano pa kaya kung nasa Amerika na siya?

He will forget me, that I am sure. Kaya sana ngayon palang ay makalimutan ko na rin siya at ang feelings kong ito.

He's leaving.

He'll leave me again sa mas malayong lugar. Mas malayong agwat.

At mas masakit iyon.

Masakit kasi may feelings na nga ako sa kanya.

Feelings na unti-unti ko nang nakikilala na higit pa pala sa inaasahan kong maari kong maramdaman para sa kanya.


Feelings na walang kasagutan mula sa lalaking tinatawag kong 'kuya'.

Iyong sinasabi niyang susulitin niya ang panahong naririto pa siya para magkasama kami, ayoko. Ayaw ko dahil baka mas mahirapan lang ako kapag umalis na nga talaga siya. Ngayon pa nga lang na nandito pa siya ay ramdam na ramdam ko na ang malayong agwat naming dalawa, papahirapan lang talaga ako ng sinasabi niyang pagbawi sakin. Wag na lang siyang bumawi.

Ayokong masanay sa mga bagay na hindi permanente.


"Finally, you're awake, ang aga mong nakatulog kagabi pero ngayon ka lang yata tinanghali ng gising."

Napalingon ako sa pintuanng kuwarto ko. Ni hindi ko namalayang bumukas ang pinto. Nakatayo roon angbuntis kong ate at nakatingin sa akin.

"Masama ba pakiramdam mo?" Nakatingin siya sa nagkalat na gamit sa kuwarto ko habang ang mga kamay niya ay marahang humihimas sa kanyang malaking tiyan. Kabuwanan na ng ate ko at ayoko siyang bigyan ng alalahanin, alam kong napapansin niya na rin ang pagkabalisa ko nitong mga nakaraang araw.

Pinilit kong bumangon kahit masakit na masakit pa ang ulo ko. "Masakit ang ulo ko. Okay lang po ba na magpadala na lang ako ng pagkain dito? Pero 'wag kang mag-alala, wala naman akong sakit, mawawala rin ito."

Gumuhit ang pagtatanong sa mga mata niya pero sa huli ay tumango na rin siya sa akin. Hindi na siguro siya sanay. Kapag kasi may sakit ako, pinipilit ko pa ring bumangon para dumulog sa hapag kainan. Pero ngayon ay di naman ganoon kasama ang pakiramdam ko ay nag-iinarte pa ako para magpahatid ng pagkain dito sa kuwarto.

Someone ForbiddenWhere stories live. Discover now