Ch28: Blind checkered guy

33.6K 857 117
                                    

Tumakbo lang ako nang tumakbo kahit na napapagod na ako. Ang dami kong nabubunggong mga tao at sorry naman ako nang sorry. Kamuntikan na akong masubsob pero hindi, hindi ako titigil sa pagtakbo!

Hindi to pupwede, hindi pwedeng siya!

Ayaw ko sa lahat ay 'yung hinahabol ako tapos ayaw ko magpahuli. Nakita ko si John na naglalakad papunta sa akin at pakiramdam ko maduduwal ako sa sobrang kaba kaya tumingin ako sa likod para tumakbo sana papunta doon para makaiwas pero nakita ko ang humahabol sa akin at hindi ko na alam, nagpapanic na ako.

Anong gagawin ko? ANONG GAGAWIN KO?!

Lumingon ako pabalik kung saan ang direksyon ni John pero nagulat ako dahil nagkabungguan kaming dalawa. Ramdam na ramdam ko ang pagdikit ng mga balat namin sa isa't isa at hindi na naman ako mapakali, nanghihina ako.

Tatakbo sana ulit ako dahil papalapit na ang humahabol sa akin pero pagtapak ko ng kanang paa ko, naout of balance ako dahil bigla itong parang nagjelly. Shit, ganito na ba talaga epekto sa akin ni John?!

Napahawak tuloy ako sa braso niya, ang init!

“Uy, okay ka lang? Saan ka ba pupu—“ Napatigil sa pagsasalita si John at napatingin ako sa braso ko nang biglang,

“Huli ka!” Napatingin kami ni John sa braso ko tapos dun sa taong nagkabit ng posas sa kanang kamay ko. Teka, hindi ito 'yung humahabol sa akin kanina ah?

Lumakas ulit kabog ng dibdib ko sa isa pang nagsalita ulit, “arestado ka John”

Ngiting ngiti na sabi nung isang lalaki na nagposas din kay John. Nagkatinginan kami ni John at ewan ko, nakaramdam ako ng saya pero nawala ang saya kong 'yun nang marealize kong—magkaiba kami ng posas.

“UY TEKA, ANO 'YAN!” Narinig kong sigaw nung humahabol sa akin kanina. “Bakit niyo pinosas 'yang babaeng 'yan? Majejail booth pa 'yan!”

“Hindi pwede, may kablind date 'to eh”

Napatingin naman ako sa kanila ng nagtataka lalo na dun sa pumosas sa akin. “Ano? Blind date?”

 

“Tara John, mabenta ka sa papicture with crush eh, ikaw na lang kaya magbantay doon para hindi kami nahihirapan?” Napatingin naman ako sa lalaking nagsalita na medyo tumatawa pa na nagposas kay John habang hatak hatak si John na may hawak na fishballs on stick. Nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti siya sa akin habang palayo siya nang palayo. Ewan ko ah, paksyet na buhay to nanghihina na naman ako.

Hindi ko napapansin, may nagbabangayan pa rin pala sa may tabi ko.

“Eh hindi nga pwede, nakatapak siya ng cross kaya dapat ijailbooth namin siya!”

“Hindi rin pwede kasi! Nandoon na sa room 'yung ibablind date niya eh, kasalanan ko bang hindi mo siya nahabol agad?”

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon