Ch41: Heart breaks fast

29.8K 804 110
                                    

"You give them a piece of you. They didn't ask for it. They did something dumb one day, like kiss you or smile at you, and then your life isn't your own anymore. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you crying in the darkness, so simple a phrase like 'maybe we should be just friends' turns into a glass splinter working its way into your heart. It hurts. Not just in the imagination. Not just in the mind. It's a soul-hurt, a real gets-inside-you-and-rips-you-apart pain. I hate love."
— Neil Gaiman


~ ~ ~

Para akong pinukpok sa ulo na kahit ano pang denial ko, sa isang bracelet lang--alam ko na.

Tinanggal ko ang mga sapatos ko at tumakbo lang ako nang tumakbo sa labas. Nahihirapan na rin akong huminga na feeling ko pinipigilan ko ang paghinga ko. Hawak hawak ko lang ang sapatos ko sa kanang kamay ko at hawak ko naman sa kaliwa 'yung mga rosas na binigay niya sa akin.

“Para saan ba to ha?!” Aakmain ko na sanang ibato 'yung mga rosas pero hindi ko mabitawan. Nanginginig ang mga kamay ko pero hindi ko siya mabitawan kaya ang binato ko na lang, 'yung sapatos ko. “ANG SAKIT MO SA PAA, SYET KA!”

Nakita kong malayo ang nirating ng sapatos ko. Nanghihina pa rin ako, nanginginig at pakiramdam ko gusto ko na lang humiga dito sa lupa na 'to. Napatingin ako sa langit at napansin kong ang payapa na ng gabi, ang ganda ng mga bituin at ang ganda ko sana…

…kung hindi lang ako umiiyak.

Teka, bakit ako umiiyak? Hindi! Hindi ako dapat umiyak. . . pero kasi, nakakaramdam ako ng sakit. Sakit emotionally at physically. Ang sakit ng pagkakadapa ko sa harap niya, ang sakit, ang sakit sa pride, ang sakit sa mukha at katawan, at ang sakit sa puso. Sobrang sakit.

“Bwisit!” Napaupo ako sa kiosk. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak ko sa bulaklak. Nanginginig ang mga labi ko at kahit na ilang beses kong punasan ang mukha ko, hindi pa rin tumitigil ang pagluha ko.

“Plastic na rosas? Shit na 'yan, sa akin plastic na mga rosas lang pero sa kanya, 'yung bracelet?!”

Napahilamos ako sa mukha ko at nasaktan naman ako dahil hawak hawak ko pa rin 'yung mga rosas. Bwisit, galit na nga ako't lahat hindi ko pa mabitawan 'tong mga bulaklak na 'to?!

“AAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Shit lang, bakit ang sakit?!” Pinukpok ko nang pinukpok ang dibdib ko habang tulo naman ng tulo ang luha mula sa mga mata ko.

Hindi ko mapigilan ang paghagulgol. Mula sa upo kong maayos kahit na mahirap, itinaas ko ang dalawa kong paa para tumapak sa kiosk at niyakap ko ang mga binti ko saka ko pinatong ang ulo ko sa mga tuhod ko.

Saka ako umiyak nang umiyak pero hawak hawak ko pa rin 'yung mga rosas, galing ko, syet.

“Bakit ba kasi hindi ko napansin lahat?” Simula sa mga kakaibang tingin ni John kay Elle, sa mga ngiti ni John--sa way ng pakikipag usap niya kay Elle na parang espesyal. . .'yung drawing niya sa notebook niya na may pangalan pati na rin 'yung sa marriage booth.

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon