Ch42: Masked mumu

29K 842 109
                                    

"I think there's something so attractive about mystery. There's something so attractive about the chase."
— Taylor Swift

~ ~ ~

“S-Sino ka?!”

 

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko, malamang alangan tumayo ako mula sa pagkakatayo ko at muntikan pa akong malaglag dahil medyo na off balance pa ako.

Nakita kong ngumiti 'yung lalaking nagkakamot ng ulo na mukhang natamaan nung teddy bear kaya umaray. Papalapit siya sa akin, nakatux pero naka half mask siya—I mean nakatakip ng maskara 'yung part ng mga mata niya pero kita 'yung bibig kaya nakita kong ngumiti.

“I-Ikaw ba si Jigsaw sa Saw?!” Natawa naman siya sa sinabi ko, anong nakakatawa sa sinabi ko?!

“Umiiyak ka na nga't lahat nagawa mo pang magjoke?”

Huminga ako ng malalim at tumayo ng tuwid.

“Hindi ako umiiyak” Pumikit ako at tumingin sa ibang lugar. Napansin ko naman na nakalapit na siya sa akin kaya umatras ulit ako. Pansin kong ang tangkad rin niya, siguro kasing tangkad ni Enzo.

“Oh, eh anong nangyari d'yan?” Turo niya sa mukha ko.

“Napuwing.” Simple kong sagot na siya namang tinawanan niya, as in tawa na tumalsik pa laway niya sa mukha ko.

Wow.

Hindi man lang nag advice 'yung PAG-ASA na uulan, hindi man lang ako nainform para magpayong. Napaka…  PAASA. Magsama-sama silang mga paasa!

Haist.

“Ang galing mo magjoke ah! Hahahahahaha!”

In all fairness, ang gwapo ng boses niya at pakiramdam ko ang gwapo rin niya kapag tinanggal mask niya pero nababadtrip ako dahil tumatawa siya.

“Bakit ka ba nandito, ha?” Naglakad na lang ako kahit medyo nanghihina pa rin at nanginginig 'yung mga tuhod ko kakaiyak. Medyo tumigil na rin ang pag iyak ko dahil medyo epal din itong lalaking nasa likod ko na mukhang sinusundan ako.

“Papalamig, masyadong mainit sa loob eh—ikaw, bakit ka nandito? Taga dito ka nga ba o baka janitress ka lang na nakiki prom sa mga estudyante?” Napalingon ako sa kanya, nakangiti siya na parang nang aasar at feeling ko gusto kong ihampas sa kanya 'yung sapatos ko, heels first kaya lang wala sa akin 'yung sapatos.

Napabuntong hiniga ako.

Kailangan ko pa palang hanapin 'yun, bakit ko pa kasi binato? Haist.

“Nagpapalamig din ako, masyadong masikip sa loob.” Masikip 'yung mundo, hindi ako makahinga… ang sakit… sobra.

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon