Ch9: Almost, but not yet

42.6K 1.2K 247
                                    

Malakas ang tibok ng puso ko, halos nahihirapan na ako sa paghinga sa sobrang pagwawala nito. Ayan na, papalapit na siya nang papalapit.

Naglalakad na siya papalapit sa akin hanggang sa…

…sa…

…sa…

"A--"

ETO NAAAAAA!!!!!!!!

“Anong oras na?” Nagising si Enzo.

Napatinngin ako sa kanya na with nakakagulat na mukha. Halos tumigil na ang pagtibok ng puso ko nung mga oras na 'yon, tipong gumuho ang buong mundo ko.

Napansin kong nawala na sa likod ko si John, badtrip. Umalis na siya.

Tumingin naman ako kay Enzo na naghihikab. Namumula mga mata niya at obvious na antok na antok. Isiningkit ko ang mga mata ko para malaman niyang nababadtrip ako. Tumingi siya sa akin, nagtataka.

“O anyare sa'yo?” Natatawa niyang tanong. “Ang panget ng itsura mo! Hahahaha”

Agad agad ko naman siyang binatukan. “Sana hindi ka na lang nagising!”

Napabuntong hininga ako. Ewan ko, nadisappoint talaga ako. Peste naman kasi 'tong si Enzo, ang epal epal nagising pa eh!

“Huy, pansinin mo ako!”

“Bahala ka d'yan, ako naman matutulog!” Bago pa siya makareact, pinatong ko na agad ang ulo ko sa braso ko na nakapatong sa table. Iniusog ko muna 'yung gamit kong laptop. Ewan, naiinis ako! Parang ayokong umalis ng school hangga't hindi lumalapit si John sa akin!

Malapit na kasi ang term break namin kaya panibagong enrollment session na naman 'yon at baka mamaya hindi ko na makita si John sa school. Baka bigla niyang maisipang lumipat ng school eh paano kami magiging close di ba?

Pinikit ko ang mga mata ko, ayoko na. Napapagod na ako sa ganitong set up namin ni John.

Ano ba John, kelan ka ba magpapakilala sa akin?

Hays.

“Atlakfjslkdgjs…” Nakapikit pa rin ako at feeling ko ang bigat ng ulo ko kaya hindi ako bumabangon.

“Ate?” Hindi ko pinansin 'yung nagsasalita, baka kasi hindi ako 'yun at duh, ang kapal naman niya mag ‘miss’ kung kasama ko si Enzo di ba?

“Ate?” Naramdaman ko na lang na may humawak sa balikat ko at parang medyo niyuyugyog ako. Mukhang ako nga ang ginigising nitong si kuya.

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon