Ch11: Classmates

41.9K 1K 77
                                    

Hindi naman talaga umiikot ang mundo ko sa pagpapacute-kuno kay John. Actually, marami naman ang nangyari sa akin the whole term—nagkataon lang na parang siya ang naging highlight ng buong term ko sa school.

Pumapasok naman ako ng school para mag aral pero hindi maaalis sa isip ko na gusto ko siya makita o masilayan kahit isang sandali lang. Kumbaga okay lang naman kung hindi ko siya makita everyday na nasa school ako pero super duper plus points sa kilig meter kapag nakita ko siya at nakatinginan ko pa.

Ngayong bago na ang term namin, hindi ko na alam kung sa BAUL Ac pa rin ba siya mag aaral or what. Syempre wala naman akong idea kung anong nangyayari a buhay niya at hindi ko siya mastalk sa facebook dahil super private siya at hindi ko siya maadd sa facebook dahil ayokong matawag na stalker.

So anyways, bagong term, bagong mga subjects, bagong mga kaklase, bagong mga makikilala—pero sana naman si John, nandito pa rin sa school mag aaral di ba? Sana lang talaga please lang.

Ewan ko ba, pero simula nung huling kita namin sa may hagdan tapos nakakita ako ng puting uwak, parang gusto ko magpaparty sa sobrang saya. Hindi ko naman kasi expected 'yun pero grabe lang 'yung nangyari, as in buong araw akong ngiting ngiti.

At syempre, si Enzo na epal ang sinabi niya sa akin buong araw na 'yun eh:

“Wag ka nga ngingiti ngiti, para kang ewan. Bakit ka ba nangiti ng ganyan?”

Pero syempre hindi ko siya pinansin noon kaya hanggang makauwi ako eh masaya ako.

Walang basagan ng trip.

Bago mag pasukan, buong araw akong nagfacebook lang nang nagfacebook. Hindi ko maitatanggi na sa tuwing nagkakared ang notification ng facebook kapag may nag aadd sa akin, lagi kong ineexpect makita ito:

You have a request from John A. Tan to add him as your husband.

Ay wait, joke lang! Hindi pala 'yan, ito pala:

You have a request from John A. Tan to add him as your boyfriend.

Hahaha okay fine, hindi na nga ako mangangarap.

Kahit simpleng friend reuqest lang talaga mula kay John, masaya na ako. As in. Kahit next time na lang 'yung boyfriend at husband, papakipot muna ako syempre. Ahihihi.

But anyways, sa buong araw na nagfacebook ako.

Wala. Fail. Bigo.

Patulog na sana ako nung mga oras na 1am pero nagulat ako sa nagtext sa akin. Syempre, I won't expect na si John 'yun dahil malay ba niya kung anong number ko pero kung siya man.

PWEDE NA AKO MAMATAY SA KILIG PLES.

But unfortunately or fortunately dahil hindi pa ako mamamatay, si Enzo lang ang nagtext:

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon