Ch36: Her Feelings

32.3K 846 143
                                    

"I wondered what happened when you offered yourself to someone, and they opened you, only to discover you were not the gift they expected and they had to smile and nod and say thank you all the same." 
— Jodi Picoult

~ ~ ~

Naglalakad lang ako sa corridor habang nakatingin sa labas, pansin ko kasi na nag aayos na 'yung mga committee para sa prom na gaganapin, February 14. Ramdam ko na nga ang pag ibig kung saan saan dito sa school pero mas naging ramdam ko dahil nga sa prom na gaganapin.

Lahat ng tao excited, bakit ako parang… hindi?

“Naeexcite na ako sa prom!!” Rinig na rinig kong sabi nung babae sa kaibigan niya. “Magtatapat na kaya sa akin si Kyle?!”

“Nako girl, huwag ka masyadong magsaya. Sa prom, marami ring umiiyak sa lungkot!” Natatawang sabi nung isa, binatukan naman siya nung kinikilig.

“ANG NEGATIVE MO!”

 

Napapangiti ako, wala lang. Kasi sila kinikilig eh, ako kaya, kelan ulit? Si John naman kasi, minsan hindi ko na nakikita at si Enzo? Hindi na kami nakapag usap pa simula nung nag usap kami ng masinsinan.

“Zelle, sorry…” Mula sa katahimikan na sinabi ni Enzo. Naglalakad na kami papunta sa amin, hinatid niya ako pauwi.

 

“Bakit ka nagsosorry?” Tanong ko naman.

 

“Sorry kasi… pinipilit kita sa akin.” Napatingin ako kay Enzo, hindi siya nakatingin sa akin pero naramdaman ko na naman ang lungkot.

 

“Sorry din…” Napahinto siya sa pag lalakad. “Sorry kung… hindi ko masuklian 'yan”

 

That scene was the most dramatic scene in my life, ever. Ewan ko ba, parang nakokonsensya ako na hindi. I care about Enzo, siya ang pinaka una kong kaibigan dito sa school na 'to pero… ewan ko. May mga bagay siguro talagang minsan mas okay na magkaibigan lang kayo.

Sa sobrang pagkecare ko sa kanya, ayoko na may mangyaring ganun.

“Samahan mo ako!” Nagulat ako sa biglang paghila sa akin ni John na dumating out of nowhere na muntikan ng malaglag 'yung bag ko.

“Uy teka, saan tayo pupunta?” Napatingin ako sa kamay niya na hawak ang braso ko. Ngayon na lang ulit kami nagkadapuang palad, wait, kinikilig na ako! Ahihihihi!

Nagpasama sa akin si John papunta sa SM, hindi ko alam kung bakit pero parang may hinahanap siya na hindi ko malaman. Napapataas lang ang kilay ko, bakit kailangan kasama pa ako?

“Ano ba hinahanap mo, John?” Napatingin siya sa akin na parang nagulat siya na kasama niya ako. NYEH, ano kaya 'yun! Tapos nadisappoint din ako kasi hindi na niya hawak braso ko. Haist.

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon