Ch40: Frustrations and birthday special

29.1K 849 220
                                    

"Because what’s worse than knowing you want something, besides knowing you can never have it?" 
James Patterson

~ ~ ~

Ngumiti si John kay Enzo tapos tumingin siya sa akin at sa braso ko na hawak ni Enzo.

“Uhm sige.” Hinila agad ako ni Enzo palayo at napatingin ako kay John na nakatayo lang sa gitna, ni hindi ko pa nga nahahawakan 'yung bulaklak eh! Pagtingin ko kay Enzo, ang sama na naman ng itsura niya habang hatak hatak ako hanggang sa tumigil kami sa isang gilid.

Nagkatinginan lang kaming dalawa at pansin ko namang ang lalim ng mga paghinga niya.

Ang saya ko na kanina eh, pero bakit laging si Enzo na lang nagpapawala ng mood ko? Lagi na lang, lagi na lang talaga. Nakakainis, ewan ko.

“Lagi na lang Zelle…”

“Teka lang nga Enzo.” Naiinis na ako. Alam kong may gusto siya sa akin pero dapat ba maging ganyan siya? Dapat ba laging galit na lang siya sa akin?

“Ano na naman ba?!” Napapapikit ako dahil sa sigaw niya. Medyo nasa gilid kami kaya parang hindi kami napapansin ng karamihan. Huminga ako ng malalim at tinignan siya sa mga mata, ramdam kong galit na galit siya.

“Isang tanong, isang sagot” hindi na ako magpapatumpik tumpik pa dahil hindi lang siya ang may karapatang magalit sa sitwasyong 'to! “ikaw lang ba may karapatang magkagusto dito?”

 

“H-ha?”

 

“Lagi ka na lang kasing galit, lagi kang sumisigaw, lagi kang badtrip—ano bang problema mo Enzo?!” Hindi ko na kaya, sorry… hindi ko na talaga kaya.

“Hindi pa ba sapat na gusto kita?”

“Hindi pa ba sapat na magkaibigan na tayo?” Magkatitigan lang kaming dalawa. Huminga ulit ako ng malalim. Umupo ako sa upuan na malapit sa amin. Nagsasayaw ang ilan pero nandito ako ngayon, nakaupo at parang naiistress sa inaasal ni Enzo.

“Pagod na pagod na ako Enzo…” Tinakpan ko ang mukha ko ng mga kamay ko. Hindi ko inihilamos dahil may make up ako at baka pumanget ako pero imposible 'yun. Tinakpan ko lang dahil pati ako nafufrustate na sa mga nangyayari. “Hindi ko na alam, lagi ka na lang galit, lagi ka na lang naiinis, lagi kang badtrip…”

“Akala ko ba napag usapan na natin 'to?” Napatingin ako sa kanya at nakaupo na siya sa harap ko na para akong bata. Nakatingala siya sa akin at tinaasan ko naman siya ng kilay.

“Anong napag usapan?”

“Inamin ko na sa'yo di ba? Gusto kita Zelle… Gustong gusto kita.” Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at hindi ako mapakali. Kung kanina, anbg sarap sa pakiramdam na kasama ko si John pero ngayon na kasama ko si Enzo, hindi ako mapakali.

Just One AnswerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon