My Wattpad Journey

467 8 3
                                    

Ano nga ba at tungkol saan nga ba ang kwentong ito? Well, hindi naman talaga ito kwento para lang tong ano, uhh, my personal share of experience. Gusto ko rin kasing ibahagi yung karanasan ko dito sa wattpad.

Siguro pwede na ring reason yung nauuso nalang bigla ang mga personal views, diary, etc. sa buhay. At dahil sa likas akong inggitero – nasa lahi na namin yun, ahahaha – gumawa din ako ng version ko. Huwag kayong mag-alala. Hindi ko ikukwento ang buong tala ng buhay ko. It’s a private thing. Ahaha. Pero mukhang bit by bit may maikwento akong parte ng buhay ko.

Now, from the title itself, this is my journey through wattpad. Wala akong pakialam kahit na sabihin niyong…

“Eeeww, anong kalokohan yan? Di naman siya sikat?”

“Grabe lang? Feeling naman niya interesado kami?”

“Sino ba yan? Epal ha!”

Ano ngayon? Kanya-kanyang trip yan mga dre! Eh sa trip kong magkwento eh. Kung gusto mong basahin, you're free to do so. Kung ayaw mo, di huwag. AHAHAHA.

Ano na nga bang ipinaglalaban ko? Ikaw? Nuks! Ang corny. Ok lang, mahilig naman ako sa corn eh. Pshhh. Nawala tuloy ako. Baliktarin ko muna damit ko tapos, voila! Hindi na ako nawala. Teka, teka, teka! Off topic na. Dami ko kasing satsat.

Okay. Ayun. So, ito ay tungkol sa experience ko sa wattpad. Ikukwento ko lahat ng nangyari sakin dito sa wattpad. Ikukuwento ko kung bakit ako napad-pad dito, bakit ako nagtagal, my first encounters, all the people that I met here online and in person, the story behind my stories, at kung bakit ko naisipang gawin itong My Wattpad Journey.

My Wattpad JourneyWhere stories live. Discover now