Newcomers Club

139 9 22
                                    

Nung nag-create ako ng account dito, ang unang username na ginamit ko ay CainKozart. It was September 19, 2013 nung nag-join ako dito. Mga magwa-one week na ako sa wattpad nung nagsimula akong mag explore. Bumisita ako sa clubs. Newcomers Club at SYS. Nung February 3 ata or 4, I decided to change my username to Velskud dahil namiss ko maglaro ng Dragon Nest. At ngayon I’m using aKo_Narcisso – which I’m using as my final username.

Yung CainKozart ay galing sa palayaw ko. Kozart. Yung Cain naman galing sa bible. Ikukwento ko ba yung history ng Kozart? Wag na siguro. Ahaha. Pero ikunukwento ko naman to sa mga nagtatanong sakin.

Yung huli kong username ay isa sa personality ko. Oo, may multiple personality ata ako? Ahaha. Pero minsan kasi… basta. I translate my username as “I’m narcissistic.” Though tingin ko lang naman yun. Kaya nga nabuhay si Xyrel e. AHAHAHA. Pero narcissistic lang ako pag mag-isa lang ako. Pero pag may kasama ako, ay nako. Sobrang humble ko. Pramis. Tanungin mo pa yung mga naka-meet up.

Dahil nga sa boring ang buahy ko sa umaga, kaya naman nanggulo ako dun sa mga thread sa Newcomers Club. Nakipagkulitan lang ako ng nakipagkulitan doon. Pag may nagtatanong kung ano ang pangalan ko lagi kong tinatype, “I’m Kozart… at your service… *bow*” tapos sasabihin nila, “Ang cute naman ng name mo.” Sinasabi ko nalang, “salamat po… ^^” pero sa loob loob ko, “I know right!” AHAHAHA.

Sa Newcomers club ko nakilala ang mga kaibigan ko dito sa wattpad. Try ko silang alalahanin isa isa. Short term kasi ang memory ko pasensya naman. AHAHA. Kaya minsan nakakalimutan ko kung ano yung mga napag-usapan namin ng gma nakausap ko. Pero meron naman talagang tumatatak.

Sa Newcomers club, nalula ako. Puro teens ang nakakasalamuha ko. Kaya minsan di ako makasunod. Generation gap ba. AHAHA. Madami-dami akong nakilala dun sa newcomers club. Alalahanin ko sila. Subukan ko. In no particular order to ha!

InorI626 – si Jpop. Isa siya sa mga nakakulitan ko din na hanggang ngayon ka-close ko padin. Sa isang forum din dun sa Newcomers. Ang alam ko, siya yung moderator ng forum. Nagpopost siya ng mga jokes na kabaliwan. Tapos ayun naglagay din ako. Madamidami kaming napag-usapan na kung anu-ano lang. actually nakaktext ko to. Pero di ko na maalala kung paano ako napapayag na ibigay ang number ko sa kaniya. Or siya ata ang nagbigay ng number niya sakin? Di ko na talaga maalala. AHAHA. Pero mabait tong bata na to.

Christinedanielle – isa siya sa mga una kong nakakulitan dito sa wattpad (tandaan niyo CainKozart pa username ko dito). Sa forum kami nito nagkakilala. Huwag niyo akong tanungin kung anong forum kasi di ko na tanda. Nakailutan ko na age niya. AHAHA. Pero mas bata siya sakin ng di hamak. Siya rin yung kauna-unahang nagpost sa Message Board ko. Kaya naman di ko malilimutan tong batang to. Yun nga lang di ko na ulit to nakausap. Lalo na nung nagpalit na ako ng username. Ahaha. Nagging busy rin tong batang to eh. Tsaka ako din nagging busy din.

sacchariferousdream – si Trine. Isa to sa ginugulo ko sa Meebo last year. Nagwawattpad kasi siya habang nagtatrabaho. Ahaha. Tapos lagi kong chinachat sa kaniya “NAAAAAAAYYYY! SI TRINE DI NAGTATRABAHO! SIR OH! SI TRINE NAGWAWATTPAD LANG!” Pero di ko na siya nagugulo ngayon. Di na ata niya ako kilala kasi nagbago ako ng username. AHAHA.

miyUki_hime – si Mia. Siya ata ang pangatlong nag-fan sakin? Ahaha. Di ko sure pero sa Newcomers ata kami unang nagkausap. Ang naalala ko lang may ipinabasa ako sa kaniya na gawa ko. Confession ata yung pinabasa ko sa kaniya nun? Tapos Apposite tsaka Infiniti at Icarus II. Siya ang dahilan kung bakit ko nakilala si ate Hunny at si J. Nagkakatext din kami nito ni Mia. Mabait tong batang to pero di ko pa name-meet. Ahaha.

JSedrano – si J. Nung una siyang nag-comment dun sa story ko, akala ko talaga lalaki. Pang-apat ata to sa nagfan sakin. AHAHA. Wala lang. siguro kasi puro babae ang mga nakakasalamuha ko dito kaya nag-assume ako na may lalaki. Pero nung pinakita niya sakin pic niya. Babae pala. Sabi niya mukha daw siyang lalaki. Hindi naman. Mabait din to.

princezlheign – si ate Lheign. Una ko tong nakausap sa isang thread sa Newcomers club. Mabait naman si ate Lheign. Pero dati, madalang kaming mag-usap. Naging mas madalas kaming mag-usap nung nagkita kami sa wall ni Louie.  Lalo pa nung dinedicate niya sakin yung isang chapter niya ng Earphones. After nun, nag-vovote na ako at nag-cocomment. AHAHA. Silent reader nga kasi ako.

hunnydew – si ate Hunny. Ang isa sa pinakamkulet kong nakilala at pinakamabait. Tapos ayun. Na-meet ko na pala to si ate Hunny in person. Mabait talaga siya at madaldal. Saka ko nalang i-elaborate ang tungkol sa kaniya pag dun na ako sa part ng mga naka-meet up ko.

iLoveMyIking – naging ka-close ko din to. Makulit na bata to. Ahaha. Apo ko to dito sa wattpad.

dinney – una ko siyang nakasalamuha nung masigasing pa akong magpromote ng story ko sa SYS club. Pinabasa ko sa kaniya yung story MC. Tapos may gusto akong sulat nito eh. A Thug’s Love.  Pero di ko na siya nakakusap ngayon.

Paralumannn – Ahaha. Sa promote promote ko din to nakilala. Pero mabait din to. Tsaka natutuwa ako sa Juan niya. Hehe.

im_Amystery – si Kanari. Siya yung wifey ko dito sa wattpad. Si Jpop ang salarin kung paano kami nagkakilala. Magkatext kami noon ni Jpop. Ahaha. Si Jpop kasi anak-anakan ko dito sa wattpad. Tapos ayun. Tinanong niya ako kung pwede daw ba akong magong asawa ng nanay niya dito. Dahil nasa mood ako ung oras na yun, pumayag ako. Ako ata ang unang nagtext. Kasi binigay ni Jpop number ni wifey sakin e. Tapos ayun. Finollow ko siya dito at ganun din siya. Tapos ayun. Magkatext kami nito gang ngayon. Pero madalang na kasi busy siya. Siya kasi ang nanalong president ng school council nila. Kaya ayun.

 LouisPatrick – eto yung muffin si SIL. Ahaha. Madalas ko din tong makausap nung nasa school pa ako.

LBKeiziee – si sis-in-law (SIL). Hmm…  kagaya ni LouisPatrick, isa rin to sa kakulitan ko. Lalo na nung ginamit niyang DP si Yuri may labs. AHAHA.

cherish0924 – ay ito so Cher. Ito, kinukulit ko sa text at sa fb. AHAHA. Lalo na nung gumagawa siya ng PS nila. Andamin niyang naikwento sakin. AHAHA. Una ko tong nakilala sa mga Newcomers club din.

wyngarduim_leviosa – si Maui. AHAHA. Explain ko nalang yung tungkol sa kaniya pag nandun na ako sa mga naka-meet up ko. Nakilala ko pala si Maui through ate Hunny.

LaceyErin – eto si Erin. Nakilala ko din through ate Hunny. I-elaborate ko nalang yung tungkol sa kaniya pag nagpost na ako ng tungkol sa meet-up.

cursingfaeri – eto si Louie. Ahaha. Paano ko ba to nakilala? Sa forum. Ayun. Sa Newcomers club. Tapos ayun kinulit ko din to ng kinulit e. Tapos habang kinukulit ko to binubully niya ako in return. Ahaha. Naka-meet ko na din to.

FallingSlowly – si kambal. Ahaha. Nakatext ko din to. Tapos, ayun. Ahaha. Friend ko to sa real account ko.

Marami pa akong nakilala sa Newcomers club. Andami ko ngang discussion thread na sinalihan. At puro panggugulo nalang ang ginagawa ko dun. AHAHA. Nung nag revamp ang wattpad ng clubs nila, hindi na ako naging active dun. Busy na din kasi ako. Siyempre kelangan ko ding grumaduate e. AHAHAHAHA.

At ang pagsali ko sa Newcomer club ang isa sa nagpatagal sa akin dito sa wattpad. Dito lang kasi nako nakapag-socialize. AHAHA. Mahiyain kasi ako sa personal at hindi masalita. Pero sa chat, pag nagsimula na akong magdal-dal. Tuloy-tuloy na yun. Ahaha.

My Wattpad JourneyWhere stories live. Discover now