Weh 'di nga?

78 6 11
                                    

Akalain niyo yun? Makakapag publish ako ng book? WAHAHAHA.

Totoo po ang chismis. Ay hindi pala chismis yun kasi hindi naman pinag-usapan beforehand. Okay fine. I'll say it na.

Ipupublish na po ang A Man's Life!

Seriously! Ang happy happy ko talaga. Kasi 'di ba? Parang dati pinapangarap ko lang. Yun bang napag-uusapan lang naming mga Power Ninjas. So who can say na those daydreams and aspirations we have. Eventually it will come as reality.

Pero, paano nga ba nadiscover si Chang? What's the story behind? Ano ang totoong nangyari sa kung papaanong makikihanay na si Chang kina Louie at Charlie? Sige. Dahil sa mabait ako, I'll tell you the tale that will change the lives of many. De joke lang yung huli. Ahaha.

This was how it happened:

Nang mabalitaan kong ipupublish ang MA at HAT-BABE!?, naexcite ako para sa kanila. Na-pressure din ako kasi sinabi nina ate hunny na mas lumalaki ang chance na madiscover din ang story ni Chang.

What I did was went to LIB office tapos sa harap ng gate sumigaw ako.

"Makinig kayo! Ipublish niyo ang A Man's Life! Kung hindi, pasasabugin ko ang buong lugar na ito!"

"Huwag please, pag-usapan natin ito!" humahangos na sabi ni sir Jun palabas sa office ng LIB. "I'm the General Manager of this publishing house. Let us talk about this as professional people."

"No! Submit to my demands. There's no democratic way of resolving this issue!"

Agad tinawag ni sir Jun ang mga tauhan niya at inihanda ang contract on the spot. At dahil doon, ipupublish na ang A Man's Life.

De joke lang. AHAHA. Baka mamaya may maniwala. Hindi ko naman kayang gawin yun. Ni hindi ko nga alam kung saan ang office ng LIB before ako pumirma doon ei. AHAHA.

Peace po tayo sir Jun! Fiction lang po. Hehehe. Though I don't think na mababasa 'to ni sir Jun. Ahehe. *crossfingers* sana huwag mabasa ni sir Jun.

Ganito po talaga ang totong nangyari.

Kakapirma lang ni ate hunny ng contract nila noon sa LIB. It was May 17 I think? Basta, company outing namin. A night before ay nakitulog ako sa kanila. Kasi nga 'di ba? Magko-company outing ako. So kailangan ko ng matutulugan somewhere in the Metro. At buti nalang pumayag sila ate. Ahehe.

Noong gabi, napag-usapan namin ulit yung nangyayari sa CTAF. It was a simple convo of what ifs. What if i-offer-an din ako ng LIB. What if i-email din ako or i-message sa watty. What if na mapublish din ang AML, yung mga ganoon. Yung paano kung madiscover din ang ibang mga stories. As simple as those. Siyempre hindi naman masamang mangarap 'di ba?

So ako naman, sabi ko, masaya. Ok lang. Though hindi ko pa ganoon ka ramdam. Kasi alam kong marami akong pagkukulang doon sa AML - which is intentional by the way.

My Wattpad JourneyWhere stories live. Discover now