www.wattpad.com

201 10 19
                                    

Simulan natin ang lahat sa kung paano ako napadpad sa mundo ng wattpad.

It was around September 2012 I think when I first heard about wattpad. Sa mga di nakakaalam, editor kasi ako sa school publication namin – kelangan ko ba talagang imention yan? Ahahaha. Siyempre dahil nga taong school pub ako, laging natambay sa office sa umaga. Pang-gabi kasi ang klase ko kaya libreng libre sa umaga. So sa kwentuhan, bigla nalang sinabi ng co-editor ko…

(non verbatim)

“Akalain mo si chorva wuma-wattpad din?” sabi niya. Associate Editor namin to.

“O? talaga?” ako. Kahit di ko alam kung ano ang wattpad. Ahaha. Managing editor naman ako.

“Oo, kaloka nga. Hindi nagpapasa ng mga articles tapos nakuha pang mag-post ng mga stories niya dun,” sabi niya.

“Ano naman mga pinagsusulat niya dun?” tanong ng isa ko pang co-editor. Actually, EIC namin to.

Segue: Ahaha. Wala lang. Trivia moment. Kaming tatlo, si EIC, Assoc, at ako ay ang trio tagapayo ng pub namin. Kasi… basta. AHAHA.

Assoc: Mga walang kwentang stories.

EIC: Ahaha. Anong aasahan mo dun eh ang papangit naman ng mga gawa nun. Mali-mali pa grammar.

Assoc: Korekchinabelles.

Hardcore ba? Ganyan talaga kami – ay sila lang pala. Mabait ako eh. Kunyari.

Ako: Ahaha. Ano ba yung wattpad?

Ayan. Siyempre tanga moment na to eh. Buti nga at hindi ako binara nung time na to. AHAHA. Usually kasi pag may ganitong eksena or pag ganito yung mga tipong di alam ang isang bagay, bigla ka nalang babarahin ng “Gosh! Poor you. You’re like so timawa. Di mo alam ang ganito-ganyan? Yan ang hirap sa inyong mga pulubi eh!” Pero siyempre biro lang namin yan. Ganyan kasi kami mag-biruan. Nalalapastangan at nayuyurak ang pagkatao ng bawat isa. Ahaha.

Assoc: Yung, website na pwede kang magpost ng mga stories tapos may magbabasa.

Ako: Oh? May nagbabasa naman ba ng mga gawa niya?

Assoc: Nakakagulat nga eh. If I know sila-sila lang yun ng mga friends niya.

EIC: May wattpad ka din ba?

Assoc: Oo naman!

Tapos nag-change topic na kami. After a few days biglang entrada ni assoc ganito.

Assoc: Nakakatuwa talaga. Akalain mong may mga nag-aabang talaga ng story mo?

A few more days after…

Assoc: I need to go home early. Gagawa pa ako ng chapter ng story ko. Madami kasing naghihintay ng story ko dun eh. Laging sabi, author update please. Ahaha.

EIC: Kagandahan?! (pakutya yan ha…)

Then after nun, naisipan kong bisitahin ang website. Una, para mahanap ko yung account ng staff namin at malait ko yung mga gawa niya. At pangalawa para i-confirm kung totoo nga yung sinasabi ni Assoc tungkol sa story niya.

So ayun. Sa office pa mismo talaga ako ng pub namin nag internet noon. Eh kasi may internet connection kami dun. Dahil sa ako’y likas na maraming e-mail address, ginamit ko yung account na connected sa google+ ko para magsign-up sa wattpad.

Hindi ko talaga inisip noon na magtatagal ako ng ganito sa wattpad. Hindi ko ne-expect yun. So ayun. English yung naka default language sa wattpad ko kaya malamang puro English stories ang nasa feed ko. Alam kong may mga Filipino stories doon pero naco-cornyhan pa ako noon dun.

Tapos ayun. Tiningnan ko yung profile ni Assoc tsaka ni staff. Si Assoc, walang fans at wala ding story. Si staff naman, madaming nagoyo. Ahaha. May mga fans din siya. Sabi ko noon sa sarili ko…

“Akalain mo yun? May nauuto rin pala siya?”

Tapos ayun. So sinubukan kong mag-explore ng konti. Pumunta ako sa categories. Asian, blonde, teens ganun… AHAHA. JOKE LANG YUN! So pinili kong category, Asian – de joke lang. Ba’t ba nasingit yang Asian na yan? Ahaha. Seryoso na nga!

Likas akong mahilig sa sci-fi. Kaya naman science fiction ang una kong tinira. Shet lang tinira talaga yung term? Ahaha. Ayun na nga. Dami kong side comments. Kainis. Ahaha. Ayun na nga diba? Sci-fi. Akala ko dati, random ang feed sa category. Malay ko ba na hotlist pala yun. Pero nasa million ang reads kaya sabi ko, maganda ata. Tsaka isa pa, about psychic powers yung kwento kaya naman naengganyo ako. So binasa ko siya. Instantly, naging favorite story ko siya dito sa wattpad. At hanggang ngayon, sinusubaybayan ko padin. Nga pala Psych Investigation Episodes title nito. Silent reader ako nun – dati. Binebenta na actually yung first book ng story na to. Nasa book three na ang story na to. Tapos ipupublish na din ang book 2. Yung author pala ng book nito ang isa sa favorite authors ko sa wattpad.

Tapos, may isang story na lagi kong nakikita sa recommended list. Ilang beses ko nang nakita yun kaya one time, sinubukan kong basahin. English din yun. Fantasy naman ang genre nun. Natuwa naman ako kaya sinundan ko ang story. Trilogy yun. Yung first two books nun completed na. Freelander tsaka Ewah. Yung sa third book which is Raythe, naglabas yung author ng preview chapter kasi ineedit niya yung first book for publishing.

Madami pa akong nabasa actually. Ah, yun. nagustuhan ko din yung Virus.

Yung mga nabanggit ko sa taas are a few of the reasons kung bakit nagstick ako dito sa wattpad.

Sinubukan ko din mag change language into Filipino. Doon ko nadiscover ang mga akdang pinoy. Ilang beses akong bumisita sa hotlist under Humor category pero hindi ako nagbabasa. Nacocornyhan kasi ako sa mga title. AHAHA. Tsaka nababasa ko yung description umaayaw na ako. Ganun ako kapili dati. Ngayon, medyo nalang. Ahaha. Pero mapili padin ako.

Meron isang story na laging nasa top. Out of curiosity, dahil nasa million ang reads nito, sinubukan ko. Pagbasa ko, ganito ang una kong reaction.

-_-

Ahaha. Pokerface yan. Ahaha. Parang ang OA ng dating ng story. Sobrang childish ang writing style – sa opinion ko yun ha! Kung member ka ng isang school publication maiintindihan mo kung bakit ganoon ang reaction ko. Pero binasa ko padin. Out of boredom. Madalang kasing mag update yung mga story na inaabangan ko. Tapos sabi ko, pwede pala ang mga ganito dito?

Hindi lang naman yun ang nabasa kong Filipino. May mga nabasa akong nagandahan naman ako. Yung sinundan ko hanggang matapos. Pero dahil sa isa akong likas na silent reader, hindi ako nagcocomment or nagvovote.

At dito ko din nalaman na okay lang magpost ng Taglish stories.

My Wattpad Journeyحيث تعيش القصص. اكتشف الآن